• September 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Hinimok ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez ang Department of Labor and Employment (DOLE) na maglatag ng subsidy program

HINIMOK ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez ang Department of Labor and Employment (DOLE) na maglatag ng subsidy program para maibigay ng mga employers ang 13th month pay ng mga empleyado.

 

Sa House Resolution 1310 na inihain ng kongresista, hinihiling nito sa pamahalaan partikular sa DOLE ang pagkakaroon ng subsidy program upang pondohan at tulungan ang mga distressed businesses at employers lalo na ang mga microsmall and medium enterprises (MSMEs) na maibigay sa mga empleyado ang bonus bago mag Pasko. Nakasaad sa resolusyon ang pag-aatas sa DOLE na maglaan ng P13.7 Billion para maibigay ang 13th month pay ng lahat ng mga empleyado at manggagawa.

 

Batay sa record ng DOLE, aabot sa 1.5 million workers ang apektado ang mga trabaho ng pandemya habang 5.1 million displaced at distressed workers naman ang tala ng Philippine Statistics Authority (PSA).

 

Bunsod ng mahigpit na community quarantine na nauwi sa pagkalugi at pagsasara ng mga negosyo ay maraming employers ang wala nang pondo para sa 13th month pay ng kanilang mga empleyado kahit pa gusto nilang maibigay ito.

 

Nauna nang sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na mangangailangan ng P5 Billion hanggang P13.7 Billion para ma- subsidize ang 13th month pay ng mga empleyado mula sa MSMEs. (Ara Romero)

Other News
  • MURDER SUSPEK AT TOP 5 MOST WANTED SA MAYNILA, INARESTO SA CEBU

    TUMULAK pa sa  Cebu City ang mga tauhan ng Manila Police District (MPD) upang arestuhin ang isang 18-anyos na High School student at Top 5 Most Wanted Person sa Cebu City.   Sa bisa ng Alias warrant of arrest na insyu ni Hon. Jose Lorenzo Dela Rosa ng RTC Branch 4, Manila, inaresto si Ivhan […]

  • PBBM, pinalakas ang partnership sa World Food Programe para labanan ang malnutrisyon sa Pinas

    MAS PINALAKAS pa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang partnership ng Pilipinas at World Food Programme (WFP) bilang bahagi ng pagsisikap ng administrasyon na labanan ang malnutrisyon at pagkagutom sa Pilipinas.     Sa naging talumpati ng Pangulo, sinabi nito na palaging bukas ang pamahalaan na magpartisipa sa anumang pagsisikap ng WFP na makatulong […]

  • Bumida sa Warriors vs Cavs Thompson ‘di kinalawang

    MATAPOS ang dalawang taon ay muling nasilayan sa aksyon si Klay Thompson.     Nagsalpak si Thompson ng 17 points kasama ang tatlong three-point shots sa 96-82 pagdomina ng Golden State Warriors sa Cleveland Cavaliers para tapusin ang kanilang dalawang dikit na kabiguan.     Muling sumosyo ang Warriors (30-9) sa Phoenix Suns para sa […]