• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinas may silver na

TUMIYAK ng silver me­dal ang Philippine national beach handball team matapos magposte ng 3-1 record sa 31st Southeast Asian Games kahapon sa Tuan Chau Island sa Quang Ninh Province, Vietnam.

 

 

Muling tinalo ng mga Pinoy bets ang Thailand, 2-1, sa ikalawa nilang pagtutuos matapos kunin ang 2-0 panalo noong Biyernes.

 

 

Ang Thailand ang ku­muha ng silver medal no­ong 2019 Manila edition na pinagharian ng Vietnam habang bronze ang nakamit ng Pinas.

 

 

“Di man kami nakaboto, naipanalo po namin ang laban ngayong araw kontra Thailand,” sabi ni national coach Jana Franquelli. “Sigurado na po tayo sa Silver Medal. Para sa bansa natin ang panalong ito. Maraming salamat sa inyong suporta! Mabuhay ang Pilipinas!”

 

 

Kung kumbinsidong tatalunin ang 2019 SEA Games gold medalist na Vietnam (4-0) ngayong alas-6 ng gabi ay ganap nang masisikwat ng mga Pinoy ang gintong medalya.

 

 

Nauna nang yumukod ang Nationals sa mga Vietnamese, 0-2, noong Sabado.

 

 

Ang top three teams matapos ang double-round robin ang magiging mga podium finishers.

 

 

Ang mga miyembro ng national team ay sina Daryoush Zandi, Dhane Miguelle Varela, Josef Maximillan Valdez, Rey Joshua Tabuzo, John Michael Pasco, Jamael Pangandaman, Manuel Lasangue, Jr., Andrew Michael Harris, Mark Vincent Dubouzet at Van Jacob Baccay.

 

 

Biniktima rin ng tropa ang Singapore, 2-0, noong Linggo.

Other News
  • Djokovic umatras na sa pagsabak sa Indian Wells at Miami Open

    UMATRAS na sa paglalaro sa Indian Wells at Miami Open si Serbian tennis star Novak Djokovic.     Ito ay dahil sa paghihigpit na US sa panuntunan laban sa COVID-19.     Nakasaad kasi sa panuntunan ng nasabing torneo na dapat ipakita ng mga manlalaro ang kanilang katibayan na sila ay naturukan na ng COVID-19 […]

  • Pinoy boxer Carlo Paalam, balik-ensayo na

    SINIMULAN na ni Pinoy Olympian boxer Carlo Paalam ang kaniyang training.     Sa mga larawan na ibinahagi nito sa social media ay makikitang nagsagawa ito ng cardio exercise sa sinilngang bayan nitong Cagayan de Oro City.     May caption pa ito na tapos na ang kaniyang bakasyon at balik na ulit ito sa […]

  • PDu30, handang mag- isyu ng Executive Order para alisin ang sagabal sa pagbili ng Covid vaccine ng mga nasa LGU

    NAKAHANDA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na magpalabas ng Executive Order para mabigyan ng exception ang mga nasa LGU sa pagsunod sa procurement law.   Ito’y bunsod na rin ng hirit ng mga nasa Local Government na humihiling ng EO dahil sa 20 percent down payment requirement ng pharmaceutical firms sa pagbili ng COVID-19 vaccine. […]