PDu30, handang mag- isyu ng Executive Order para alisin ang sagabal sa pagbili ng Covid vaccine ng mga nasa LGU
- Published on February 15, 2021
- by @peoplesbalita
NAKAHANDA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na magpalabas ng Executive Order para mabigyan ng exception ang mga nasa LGU sa pagsunod sa procurement law.
Ito’y bunsod na rin ng hirit ng mga nasa Local Government na humihiling ng EO dahil sa 20 percent down payment requirement ng pharmaceutical firms sa pagbili ng COVID-19 vaccine.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, walang problema sa Pangulo kung maglabas man ito ng Executive Order na kung sakali mang labag sa batas ay handa itong magpakulong.
Magkagayon pa man, mayroon ng ginagawang hakbang ani Roque ang Kongreso para sa exception ng mga kinauukulan sa Government Procurement Act.
Ito’y para makabili na ang mga lokal na pamahalaan ng kailangan nilang bakuna nang wala ng magiging sagabal.
“Kung kinakailangan po, wala pong problema iyan dahil ang posisyon ng Presidente eh kung kinakailangan iisyuhan at kung mayroon iyang paglalabag sa batas at mayroong pagkakakulong, magpapakulong siya para po sa mga Pilipino,” ani Sec. Roque.
” Alam kong mayroon nang mga hakbang na ginagawa sa Kongreso para magpasa po ng batas na magkakaroon po ng exception doon sa Government Procurement Act para sa ganoon ay makabili nga po nang walang sagabal ang mga lokal na pamahalaan ng kanilang mga bakuna. So, mayroon na pong nakabinbin sa Kongreso na panukalang batas tungkol dito,” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)
-
Kai Sotto hindi na isinama ng Gilas Pilipinas sa kanilang laban sa 2022 FIBA Asia Cup
HINDI na isinama ng Gilas Pilipinas si Kai Sotto para sa 2022 FIBA Asia Cup na gaganapin sa Indonesia. Ayon kay Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) program director Chot Reyes, na makailiang beses na silang nakipag-ugnayan sa kaniyang handler sa East West Private subalit wala silang natatanggap na anumang kasagutan. Dahil […]
-
Spanish tennis player Paula Badosa wagi laban kay Sakkari
Nakuha ni Paula Badosa ang kampeonato sa WTA Finals sa ng talunin si Maria Sakkari. Nangibabaw ang tennis player mula sa Spain para tuluyang talunin ang pambato ng Greece sa laro na ginanap sa Guadalajara, Mexico. Nagtala ng 10 aces si Badosa para makuha ang 7-6(4), 6-4 na panalo. […]
-
Gov’t workers group humirit ng P21,000 monthly minimum wage
NANAWAGAN ang Confederation for Unity, Recognition, and Advancement of Government Employees (COURAGE) sa pamahalaan na itaas ang minimum na buwanang sweldo para sa mga state workers. Ito ay dahilan pa rin sa walang tigil na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo at bilihin sa bansa. Sa isang statement ay nanawagan ang […]