Motorista inabisuhan ng CAVITEX sa toll pay hike simula sa Mayo 12
- Published on May 11, 2022
- by @peoplesbalita
NAG-ABISO ngayon sa mga motorista sa Metro Manila ang kompaniyang CAVITEX Infrastructure Corp. na ipapatupad na simula sa Huwebes, Mayo 12 ang pagtataas ng toll rates sa CAVITEX Paranaque toll plaza.
Ayon sa kompaniya inaprubahan na ng Toll Regulatory Board (TRB) ang toll pay hike kasunod nang pagpapatupad din ng mga pagbabago at pagpapanda ng mga pasilidad at kalidad ng CAVITEX highways.
Sa pagpapatupad ng bagong rates, ang mga motorista ay magbabayad ng mga sumusunod na VAT-inclusive rates: P33 para sa Class 1 vehicles mula sa dating P25.00; P67 para sa Class 2 mula sa dating P50.00; at P100.00 para sa Class 3 mula sa dating P75.00.
“The approved petitions translate to Php 4.62 VAT-exclusive rate per kilometer for Class 1 vehicles; Php 9.24 for Class 2; and Php 13.86 for Class 3 vehicles traversing the 6.48-kilometers R-1 Expressway (from CAVITEX Longos, Bacoor entry to MIA exit, and vice versa) beginning 12:00 AM of May 12,” bahagi ng CAVITEX statement. “To help public utility vehicle (PUV) operators and drivers cope with the change, CIC and JV partner PRA will be providing them toll rate reprieve through a rebate program that will allow them to continue enjoying the old rates for the next three months.”
-
Pang. Marcos tiniyak ang suporta kay Senate President Chiz Escudero
Tiniyak ni Pang. Ferdinand Marcos Jr ang kaniyang suporta sa bagong Senate President na Sen. Chiz Escudero. Ayon kay Pangulong Marcos, ang legislative record ni Escudero at ang kaniyang commitment sa public service ay patunay na isa siyang dedicated leader. Pinuri naman ng Pangulo si Senator Migz Zubiri sa kaniyang liderato sa Senado. Kumpiyansa naman […]
-
SILID-AKLATAN NG PSC BUBUKSAN
NAKATAKDANG muling buksan ng Philippine Sports Commission (PSC) ang Philippine Sports Library sa bansa sa misyon ng ahensiya na mapalawak at mapaangat pa ang edukasyon sa tulong ng mga programa ng Philippine Sports Institute matapos ang Covid-19. Inihayag ni PSC Chairman William Ramirez, na pangunahing asam ng silid-aklatan na makapatuklas ng scholar athletes at […]
-
IATF, pinalawig ang alert level system sa labas ng NCR
PINALAWIG ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang alert level system na ipatutupad na rin sa iba pang mga lugar labas ng National Capital Region (NCR) simula ngayon, Oktubre 20 hanggang katapusan ng buwan. Ang Alert level 4 ay ipatutupad sa: Region 7: Negros Oriental Region 11- Davao Occidental Habang ang Alert level 3 […]