Leody de Guzman, Sen. Sotto, nag-concede na
- Published on May 11, 2022
- by @peoplesbalita
NAGPAHAYAG na ng pagtanggap sa pagkatalo sa halalan si labor leader Leody de Guzman.
Aminado itong naging mabigat ang hamon ng halalan, ngunit kanila itong pinagsikapang kayanin.
Nagpasalamat naman siya sa mga tagasuporta at nangakong ipagpapatuloy ang pagtatanggol sa sektor ng mga manggagawa.
Samantala, nag-concede na rin si vice presidential candidate Sen. Tito Sotto.
“The people have made their choice. I accept the will of the people,” wika ni Sotto.
Kinilala niya ang mahigit walong milyong sumuporta sa nagdaang halalan.
Sa ngayon, magpapahinga muna umano siya, matapos ang mahabang panahon ng paglilibot sa mga lalawigan.
-
Pinas, suportado ang UN Security Council ukol sa planong tigil-putukan sa Gaza
PINURI ng Pilipinas ang resolusyon ng United Nations Security Council na sumusuporta sa three-phase ceasefire plan sa Gaza strip. Sinabi ng Department of Foreign Affairs na muling pinagtibay ng UN Resolution S/RES/2735 ang commitment ng UN sa kapayapaan at katatagan at ang bansa ay committed na magbigay ng kinakailangang pagsisikap para tumulong […]
-
Lalaki na may bitbit na baril sa Malabon, laglag sa rehas
SA loob ng selda humantong ang isang lalaki matapos maaktuhan ng mga pulis na may bitbit na baril habang pagala-gala sa lansangan sa Malabon City. Sa ulat ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng […]
-
Ads February 21, 2020