• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, siniguro na matutupad ang itinatakda ng batas hinggil sa pormal na pagpapalit ng bagong liderato ng bansa sa June 30

SINIGURO ni Pangulong Rodrigo Duterte na pormal na makakaupo ang idedeklarang susunod na Pangulo ng Republika sa Hunyo a- trenta.

 

 

Sinabi ng Punong Ehekutibo,  isang Constitutional requirement na dapat nang makapanumpa ang mananalo sa isinagawang Presidential election ngayong taon.

 

 

Paniniguro nito, kanyang isasalin ang liderato ng bansa sa sinumang kanyang magiging successor sa gitna ng paninindigang dapat na masunod kung ano ang itinatakda ng batas.

 

 

“Base sa umiiral na konstitusyon, alas dose ng tanghali ng Hunyo a- trenta pormal na magsisimula ng kanyang panunungkulan ang ika-labing pitong Pangulo ng Republika,” ayon sa Pangulo. (Daris Jose)

Other News
  • Pelikulang ‘Finding Agnes’ sa Netflix, new experience para sa lead stars na sina Sue Ramirez at Jelson Bay

    Bida ang aktres na si Sue Ramirez at ang comedian na si Jelson Bay sa drama film na Finding Agnes na mapapanuod na ngayon worldwide sa Netflix.   Sa exclusive interview ng Star FM Baguio sa 24-year old actress, ibinahagi nito na naiiba ang kaniyang role bilang si Cathy Duvera na ipinanganak at lumaki sa […]

  • Petro Gazz pasok na sa semifinals ng 2023 PVL All-Filipino Conference

    Pasok na sa semifinals ng 2023 PVL All-Filipino Conference ang Petro Gazz.   Ito ay matapos talunin ang Akari sa apat na set 25-15, 25-19, 22-25, 25-16 sa laro na ginanap sa Philsport Arena.   Nanguna sa panalo si Grethcel Soltones na nagtala ng 20 points mula sa kaniyang 16 na atake at four aces. […]

  • PBBM, pinangunahan ang pagbubukas ng bagong terminal ng Clark International Airport

    PERSONAL na nagtungo sa Pampanga si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kahapon ng umaga para sa ilang aktibidad.     Pinangunahan ng Pangulo ang pagbubukas ng bagong terminal ng Clark International Airport sa Mabalacat City, lalawigan ng Pampanga.     Bukod sa talumpati ng presidente ay inaasahang bahagi din ng event ang gagawing walk through […]