• November 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pelikulang ‘Finding Agnes’ sa Netflix, new experience para sa lead stars na sina Sue Ramirez at Jelson Bay

Bida ang aktres na si Sue Ramirez at ang comedian na si Jelson Bay sa drama film na Finding Agnes na mapapanuod na ngayon worldwide sa Netflix.

 

Sa exclusive interview ng Star FM Baguio sa 24-year old actress, ibinahagi nito na naiiba ang kaniyang role bilang si Cathy Duvera na ipinanganak at lumaki sa bansang Morocco.

 

“I think Finding Agnes was the perfect project talaga for me. Ibang-iba siya sa mga usual ko na ginagawa. I am portraying a lady who is born and raised in a different country, so I had to make adjustments in the way I talk. May mga lines ako doon na Darija, so medyo kinailangan ko ding magpaturo. What’s different with Cathy – I see to it that every project that I do, every character that I do is different from one another. Just the fact na sa ibang bansa ako ipinanganak at lumaki, makes it different from all the projects that I’ve done before,” saad ni Ramirez.

 

Inamin rin ng aktres na naging exciting ang shoot na naganap sa bansang Morocco na inihambing ng aktres na pawang maraming pagkakatulad sa Pilipinas, kaya hindi umano sila nahirapan sa taping.

 

“Hindi siya naging masyadong mahirap for me kasi Moroccans, parang mga Pinoy. They are very, very hospitable. Para ka lang nasa Pilipinas kapag nandoon ka, yun ang pakiramdam ko, so hindi kami nahirapang mag shoot,” dagdag nito.

 

Tila new experience din ang pelikula para kay Jelson (“Ang Pangarap Kong Holdap”) na kilala bilang isang komedyante. Ginagampanan nga ng aktor ang role ni Virgilio “Brix” Rivero.

 

“Naku! Para akong sinusunog,” biro nito. “This film kicked me out of my comfort zone talaga. Talagang nag labor ako dito. Ito, napakaseryoso, at andaming emotional baggage. Napaka-challenging.”

 

Ipinagmalaki rin naman ng first-time film director na si Direk Marla Ancheta ang pelikula at ang kanilang naging memorable shoot sa Morocco.

 

“First time ko yun to shoot in a different country, and first movie ko din ito. Ang saya ng experience. Parang hindi siya work kasi magkakasama lang kami sa isang bahay. Ang ganda lang din kasi ng Morocco. Ang ganda nung bansa. Number one yung weather,” pagbabahagi ng director.

 

Ang film directorial debut ni Direk Ancheta na Finding Agnes ay patungkol sa isang entrepreneur (Bay) na nagtungo sa Morocco para makakuha ng kasagutan sa pagkawala ng kanyang ina at dito niya nakilala ang adopted daughter (Ramirez) nito.

 

Kasama rin sa cast sina Sandy Andolong at Roxanne Guinoo.

Other News
  • Alex Eala hangad ding makapagbigay ng inspirasyon tulad ng boxing legend na si Pacquiao

    Todo pasalamat pa rin ang teenage tennis sensation na si Alex Eala sa kanyang mga fans na nagpaabot ng papuri sa kanyang matapos ang makasaysayang panalo sa US Open junior crown.     Ang panalo ni Eala ay nagluklok sa kanya bilang first Filipina na makasungkit ng grand slam singles championship.     Aminado ang […]

  • Malakanyang, kinumpirma ang rekomendasyon ng VEP sa FDA na gamitin ang Sinovac sa mga senior citizens

    KINUMPIRMA ng Malakanyang na inirekomenda ng Vaccine Expert Panel (VEP) sa Food and Drug Administration (FDA) ang paggamit ng Sinovac vaccine para sa mga senior citizens o mga indibidwal na may 60 taong gulang pataas.   Masusing tinalakay ng VEP ang usaping ito sa gitna ng kasalukuyang vaccine supply sa bansa.   “We hope that […]

  • CLINICAL TRIAL NG MEDICAL CANNABIS, ISASAGAWA SA PILIPINAS

    IBINUNYAG ng scientist at inventor na si Richard Nixon Gomez sa isang forum na may malaking kumpanya sa ibang bansa na magsasagawa ng phase 3 clinical trial para sa medical cannabis dito sa Pilipinas. Aabot aniya sa 50 millon US Dollar ang nasabing proyekto.     Sa naturang medical trial ay dito sa ating bansa […]