• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Saclag asam makapasok sa gold medal round

PIPILITIN  ni Pinoy bet Jean Claude Saclag na makausad sa gold medal round ng men’s kickboxing sa pagharap kay Vu Truong Giang ng host Vietnam sa 31st Southeast Asian Games ngayon sa Bac Ninh province gymnasium.

 

 

Nakatiyak na ng bronze medal ang 2019 Manila SEA Games champion matapos umabante sa semifinals ng men’s low kick -63.5-kg nang talunin si Souliyavong Latxasak ng Laos, 3-0, noong Linggo.

 

 

Nangako ang 27-anyos na tubong Kalinga na gagawin ang lahat para sapawan ang kanyang Vietnamese opponent sa harap ng mai­ngay na hometown crowd.

 

 

Sakaling manalo si Saclag kay Giang ay lala­banan niya ang magwawagi sa semis duel nina Chalemlap Santidongsakun ng Thailand at San Rakim ng Cambodia para sa gold medal.

 

 

Inaasahang gagamitin ni Saclag ang kanyang pagiging Wushu World Cup champion sa sanda at silver medalist sa Incheon Asian Games noong 2014.

 

 

Kasalukuyan pang luma­laban kagabi sina Daryl Chulipas kontra kay Salmri Stendra Pattisamallo ng Indonesia sa men’s full contact -51 kgs, Honorio Banario laban kay Tanoi Yermias Yohanes ng Indonesia sa men’s -71s kg low kick at Emmanuel Cantores kay Malaysian Ain Kamarrudin sa men’s -60 kgs low kick.

Other News
  • Confidential Funds sa OVP, DepEd boluntaryong iatras

    IGINIIT ni dating Congressman Atty. Barry Gutierrez kay Vice President Sara Duterte na boluntaryong bawiin ang request na Confidential Funds para sa Office of the Vice President (OVP) at sa Department of Education (DepEd) para sa fiscal year 2024.     Sinabi ni Atty. Gutierez na mas mainam kung ang naturang pondo ay ilaan na […]

  • Go, may buwelta naman kay Gordon

    Nagmistulang domino effect na ang pasaring ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ilang senador.     Dahil matapos ang mga panibagong banat ng presidente, bumuwelta naman agad si Senate blue ribbon committee chairman Sen. Richard Gordon.     Bagama’t hindi raw siya natitinag sa personal na mga atake, hindi raw naman niya mapigilang hindi sumagot para […]

  • Malakanyang, kumpiyansa sa ‘better-than-expected 2024 inflation’

    KUMPIYANSA ang Malakanyang na matatapos ng bansa ang taon na may maliwanag na ‘inflation environment’ kasunod ng pagbagal ng rate sa pagtaas ng presyo ng kalakal at serbisyo nito lamang nakaraang buwan.   “We are upbeat in our belief that average inflation for 2024 will be better than expected,” ang nakasaad sa kalatas ng Presidential […]