• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Duterte sa DENR: Illegal mining sa Cagayan imbestigahan

Pinaiimbestigahan ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Enrivonment Secretary Roy Cimatu ang umano’y illegal mining na dahilan ng malawakang landslides at pagbaha sa kasagsagan ng bagyong Ulysses sa lalawigan ng Cagayan at Isabela.

 

Ito ang ipinag-utos ni Duterte sa ginanap na situation briefing sa Cagayan kung saan maaa­ring ang talamak na mi­ning activities umano sa nasabing lalawigan ang dahilan ng pagguho ng mga lupa, kaya nagkakaroon ng landslide doon lalo na tuwing malakas ang buhos ng ulan.

 

“Kapag maraming butas, maraming tubig na pumapasok sa loob ng lupa. That’s why, kapag ano… landslide. It loosens the soil. So kaya ang mi­ning, maraming butas, yan ang i-control mo,” utos pa ng Pangulo kay Cimatu.

 

Inatasan din ni Duterte ang kalihim na mag-inventory para makita kung maraming butas ang lupa kung saan dito pumapasok ang maraming tubig dahilan para lumambot.

 

Tugon naman ni Cimatu, base sa kanyang natanggap na ulat, may 10 indibidwal ang nasawi dahil sa landslides sa kasagsagan ng bagyo, kaya iprinisinta rin niya ang hazard map.

 

Sa hazard map nakikita umano ang mga lugar kung saan hazard prone para sa landslide at kung saan nangyari ang mga pagbaha.

 

Paliwanag naman ng kalihim walang permit na ibinigay para magmina sa nasabing lugar maliban na lamang sa small scale mining kaya maituturing itong illegal.

 

Sinabi pa ni Duterte, na illegal mining ang dahilan kung saan karamihan ay nasawi kaya dapat sampahan ng kaso at maglabas ng cease and desist order para sa mga taong nasa likod nito.

 

Nauna na ring pinaim­bestigahan ni Duterte ang umano’y quarrying ope­rations sa Guinobatan, Albay na nirereklamo ng mga residente doon matapos silang hagupitin ng bagyong Rolly.

 

Kaagad namang sinuspinde ni Cimatu ang quarrying operations sa Guinobatan matapos ang bagyong Rolly nang ma­diskubre na bumababa ang tubig-baha mula sa dalisdis ng Bulkang Ma­yon at dumadaan sa tatlong ilog kung saan mayroong 11 quarrying operations. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Witness The Return of an Avenger: Marvel Studios’ “The Marvels” Arriving on November 8

    IN just two weeks, experience this year’s most epic superpowered team-up in Marvel Studios’ “The Marvels ” arriving in cinemas on November 8, Wednesday. Book your tickets in advance by checking the showtimes: https://www.disney.ph/movies/the-marvels   In Marvel Studios’ “The Marvels,” an Avenger heads back to cinemas as Captain Marvel teams up with the Marvel Cinematic […]

  • Malakanyang, itinanggi na smuggled at illegal ang covid 19 vaccine na itinurok kay PDu30

    ITINATWA ng Malakanyang na smuggled at illegal ang COVID-19 vaccine na itinurok kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte.   Sinasabing di umano’y hindi pa clear ang bakuna na mula sa Chinese state firm Sinopharm sa emergency use sa bansa.   “The vaccine from Chinese state firm Sinopharm that Duterte took on Monday is “covered by compassionate […]

  • SANYA, maagang ‘nagpainit’ sa sexy bikini photos na pinost

    AFTER ng tatlong lock-in taping ng top-rating GMA Primetime romantic comedy series na First Yaya, topbilled by Gabby Concepcion and Sanya Lopez, nagkaroon muna sila ng break.      Bale pahinga ng cast at production staff, kaya naman inimbita ni Gabby ang mga kasama niya sa kanyang beach resort sa Batangas.     ‘Nagpainit’ si […]