Sandro, iba pang Marcoses sa Ilocos Norte, pinroklamang panalo sa local polls
- Published on May 12, 2022
- by @peoplesbalita
LAOAG CITY, Ilocos Norte- PINROKLAMA ng Commission on Elections (Comelec) ang political neophyte na si Sandro Marcos bilang panalo sa first district congressional race sa Ilocos Norte, araw ng Martes.
“Maraming salamat sa tiwala at suporta ng aking mga kakailian. Napakalaking bagay po nito para sa akin dahil ito po ang unang beses na may Marcos na tumakbo sa unang distrito,” ayon sa 27 taong gulang na si Sandro.
Ang unang distrito ang sinasabing naging “stronghold” ng mga Fariñases, kung saan si Ria, anak na babae ng beteranong politiko at dating congressman Rodolfo “Rudy” Fariñas, ay incumbent.
Napadapa ni Sandro si Ria nang makakuha ang una ng 108,423 boto laban sa 83,034 boto ng huli.
Matapos ang proklamasyon, sinabi ni Sandro na susubukan niyang itulak ang mga batas na nakatuon sa agrikultura, hanapbuhay at technological improvement sa first district ng lalawigan.
Ang pinsan naman ni Sandro na si Matthew Marcos Manotoc, ay nasungkit ang kanyang panibagong termino matapos na talunin nito ang veteran politician at ama ni Ria na si Rodolfo “Rudy” Fariñas. nakakuha si Manotoc ng 229,161 boto laban sa 82,136 boto ni Fariñas.
Ang iba pang miyembro ng Marcos clan na pinroklamang nanalo ay sina Cecilia Araneta Marcos na nasungkit ang pangalawang termino bilang vice governor ng Ilocos Norte. Angelo Marcos Barba ay pinroklama rin bilang “winner” para sa pangalawang termino bilang first district representative ng lalawigan.
Si Michael Marcos Keon, tiyuhin nina Sandro at Matthew ay pinroklama bilang Laoag city mayor-elect, araw ng Martes. (Daris Jose)
-
Manilenyo ‘all out’ ang suporta kay Isko
Ngayong nalalapit na ang panahon ng eleksiyon sa bansa, marami na ang nagtatanong at interesadong malaman kung ano ang magiging plano ni Manila Mayor Isko Moreno. Tiniyak naman ni Don Ramon Bagatsing na kung ano man ang maging desisyon ni Yorme para sa posisyong kanyang tatakbuhan sa 2020 national and local elections, ay […]
-
75% ng global supply ng COVID-19 vaccines, nabili na ng 10 bansa- PDu30
SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na 75% ng global supply ng COVID-19 vaccines ang nabili na ng 10 bansa. “Magkaintindihan na lang tayo na itong problema, atin lahat. How many countries? Ilan pa lang ang mayroon, again 75% nandiyan lang sa sampu, ang iba pati tayo wala,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang […]
-
PCSO bukas sa pagdinig ng Senado
BUKAS ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa gagawing pagdinig ng Senado sa mga nanalo. Ito ang tugon ni PCSO General Manager Melquiades Robles sa panukala ni Senador Koko Pimentel na imbestigahan ang sunud-sunod na panalo sa lotto draw at makilala kung sinu-sino ang tumatama. Sa partners forum sa Philippine Columbian […]