• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Philippines -BEST dumating na sa Paris

Dumating na ang Philippines BEST-Swim League Philippines sa 10th Circle of Swimmers of Melun Val de Seine na aarangkada sa Mayo 13 hanggang 15 sa Paris, France.

 

 

Dumating na sa Paris ang delegasyon ng Pilipinas na binubuo nina Philippine national junior record holder Micaela Jasmine Mojdeh, Julia Ysabelle Basa, Marcus Johannes De Kam, Jordan Ken Lobos, Nicholas Ivan Radovan, Hugh Antonio Parto, Yohan Mikhail Cabana at Lance Arcel Lotino.

 

 

Matapos ang isang araw na pahinga, agad na sumalang sa ensayo ang koponan upang paghandaan ang matinding laban na haharapin ng Pinoy tankers laban sa matitikas na tankers sa Europa.

 

 

“The Eiffel tower was once impossible to built like our grassroots swimmers that we thought there is a possibility to even compete in Europe,” ani Philippines BEST-Swim League Phi­lippines team manager Joan Mojdeh.

 

 

Kasama rin sa de­legasyon sina Philippines BEST-Swim League Phi­lippines team owner Harold Mojdeh, secretary general Marilet Basa at coach Jerricson Llanos.

 

 

Nagpasalamat ang ko­ponan sa Behrouz Persian Cuisine — ang major sponsor ng team at kina Hans Wong, Hannah Wong, Marie Lim, Jun Papa, Senator Ralph Recto, Vince Garcia at sa FINIS Philippines gayundin kina Judith Communaudat (Secretary English Translator), Hervee Piquee (Head Coach and Technical Director) at Fadela El Barodi.

Other News
  • Pagdanganan asam ang maraming Magic 10 finish sa LPGA Tour

    PUPUNTIRYA si Bianca Isabel Pagdanganan nang maraming pagtapos sa Top 10 sa mayamang nakabase sa Estados Unidos na 73rd Ladies Professional Golf Association Tour 2022.     “I’ve had two Top 10 finishes. Knowing that I can do that, I definitely want to hope for more this year. I’m working to finish more in that […]

  • COVID-19 vaccines para sa kapulisan, sapat- Sec. Roque

    SINIGURO ng Malakanyang na sapat ang COVID-19 vaccines para sa kapulisan.   Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na karapat-dapat naman na kilalanin ang mga law enforcement agents sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa gitna ng COVID-19 pandemic.   Ang pahayag na ito ni Sec. Roque ay sinabi niya sa pagbabakuna ng police personnel […]

  • IBP sa IATF: Mga abogado isama rin sa priority groups sa vaccine

    Humihirit din ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) na isama na rin na mauuna sa pagbabakuna ang mga abogado sa sa bansa.     Sa sulat ni Atty Domingo Cayosa kay vaccine czar Carlito Galvez, ipinaliwanag nito kung bakit matatawag din na legal frontliners ang mga abogado.     Aniya, ang mga officers of […]