Tiyak na kapupulutan ng aral at inspirasyon ang bawat kuwento: CHARO, inamin na new challenge sa kanya ang bagong programa na tungkol sa OFW
- Published on May 14, 2022
- by @peoplesbalita
MAY bagong programa si Ms. Charo Santos-Concio.
Ito ay ang ‘Shine On Overseas Pinoy’ kung saan ang mga Overseas Pinoy ay magbabahagi ng kanilang kwento kung paano nila nilabanan ang lungkot na mawalay sa pamilya.
Ibabahagi rin nila ang kanilang karanasan tungkol sa kahalagahan ng pagiging financially stable, pananatiling malusog, pagpapaaral ng mga anak at paghahanda sa retirement.
Tiyak na maraming kwento ang mga kapatid nating OFWs na kapupulutan natin ng aral at inspirasyon.
Ang 13-episode show ay magsisimula ngayong Sunday, May 14, at mapapanood sa TFC Cable and Satellite, IPTV and iWantTFC.
The series will be available in the Asia Pacific and Europe, Middle East, and Africa regions. Presented by Sun Life.
“This is a new challenge for me,” sabi ni Mam Charo sa zoomcon yesterday.
Mam Charo said she had fun talking to the OFWs with whom she shared the importance of being financially stable.
“It is important that we learn how to manage our finances. Dapat marunong tayong humawak ng perang kinikita natin, lalo na sa ating mga OFWs who work hard for earn their keep.”
Ayon kay Mam Charo, may Sun Life financial adviser na makakasama ang isang OFW on the show at ito ang magpapaliwanag sa kanya ang kahalagahan na maayos an gating financial status.
“We should be disciplined in handling our earnings. We should know how to budget our money, take care of our expenses and how can we save a certain amount for our future.”
Mam Charo enjoyed talking to the dIfferent OFWS that will be featured in the show’s season.
“I am very excited to do this show and share with everyone the inspiring stories we have on the show.”
***
MAY slight na tampo ang entertainment columnist at YouTube vlogger na si Aster Amoyo kay outgoing Manila Mayor Isko Moreno.
Kapapanalo pa lang daw ni Isko na Mayor ng Maynila ay nagpasabi na si Tita Aster na nais niyang ma-interview ang dating artista-turned-politician.
Pero sa tinagal-tagal niyang nagre-request ay hindi man lang siya napagbigyan. Nang mag-announce si Isko ng candidacy for president ay nag-try muli Tita Aster na sumubok kung pwede ba niyang ma-interview si Isko for her YouTube channel. Pero hindi pa rin siya napagbigyan.
Akala pa naman daw niya dahil kapwa sila taga-showbiz ay mas madadali siyang magkakaroon ng chance na ma-interview si Isko. Pero kahit na nag-try magpasabi muli ay hindi pa rin siya napagbigyan.
Now that Isko is stepping down on June 30 as Manila Mayor, magkaroon na kaya siya ng oras to sit down with Tita Aster for the much-delayed interview?
Congratulations nga pala kay Tita Aster dahil binigyan siya ng YouTube ng Silver Button Award for reaching 100,000 subscribers. Ang goal niya ngayon ay makaabot ng one million subscribers.
Her “TicTALK with Aster Amoyo’ sa YouTube channel is turning two on July 17, 2022.
Sana naman ay matuloy na ang inaasam na interview ni Tita Aster kay Mayor Isko para mawala na ang kanyang tampo.
(RICKY CALDERON)
-
Hamsain dumale ng 3 gold
NAGNINGNING NANG HUSTO Si Fatima Hamsain nang humablot ng tatlong gold medal katatapos na Inner Strength Martial Arts 1st International E-Tournament eKata and eKumite Championships. Huling kpinamayagpagan ng Pinay karateka ang female under-15 e-kumite sa Shotokan E-Kata nang mangibabaw sa finals laban sa isang Greek opponent via 23.3-21.9 deicision. Siya rin […]
-
LeBron, binitbit ang Lakers tungo sa 135-115 pagdomina sa Blazers
Nangangailangan na lamang ng isang panalo ang Los Angeles Lakers para makapasok sa semifinals matapos na tambakan nila ang Portland Trail Blazers, 135-115, sa Round 4 ng kanilang best-of-seven playoff series. Namayani nang husto si LeBron James na nagpakawala ng 30 big points at 10 assists, na dinagdagan ni Anthony Davis ng 18 points […]
-
P5 B off-ramp itatayo upang magkaroon nang mabilis na access sa NAIA
ANG San Miguel Corporation (SMC), ang nanalong bidder sa rehabilitasyon ng NAIA ay naglaan ng P3 hanggang P5 billion para sa pagtatayo ng bagong off-ramp na magdudugtong sa NAIA Expressway papuntang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3. Gagawin ang proyekto upang mabawasan ang pagsisikip ng trapiko at magkaroon ng magandang daloy ang […]