• February 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LeBron, binitbit ang Lakers tungo sa 135-115 pagdomina sa Blazers

Nangangailangan na lamang ng isang panalo ang Los Angeles Lakers para makapasok sa semifinals matapos na tambakan nila ang Portland Trail Blazers, 135-115, sa Round 4 ng kanilang best-of-seven playoff series.

 

Namayani nang husto si LeBron James na nagpakawala ng 30 big points at 10 assists, na dinagdagan ni Anthony Davis ng 18 points para sa Lakers, na tangan na ang 3-1 abanse.

 

Hindi hinayaan ng Los Angeles na makaporma ang Portland kung saan umabot pa sa 38 points ang kanilang kalamangan para ilista ang ikatlo nilang sunod na panalo sa opening-round series.

 

Sinabi ni James, target na nilang tapusin ang Round 1 ng playoffs para kahit paano ay makapagpahinga ang grupo para sa paghahanda sa semifinals.

 

Tumabo naman ng 20 points at 13 assists si Jusuf Nurkic para sa Blazers.

 

Umalalay din para sa Portland sina Carmelo Anthony na may 16 points habang si CJ McCollum ay naglista ng 18 points.

Other News
  • Mga dumalo sa 57th birthday campaign rally ni Robredo umabot sa mahigit 420-K

    PUMALO sa mahigit 420,000 bilang ng mga indibidwal na dumalo sa ginanap na campaign rally kasabay ng selebrasyon ng ika-57 kaarawan ni presidential candidate Vice President Leni Robredo.     Ayon sa local event organizers ng naturang rally, umabot sa 420,000 ang kabuuang bilang ng mga tagasuporta ni Robredo ang dumalo sa #ArawNa10to rally na […]

  • Ads January 10, 2023

  • P200K ang isang set na may personalized message: First-ever handpainted toy collectibles ni HEART, inaasahang magso-sold out

    WALA talagang tigil ang Kapuso star and fashion icon na si Heart Evangelista sa kanyang pasabog na artworks.   Infairness, pinangangatawan na talaga ni Heart ang pagiging ‘artist’ at talaga namang inaabangan ng mga art lovers and collectors ang kanyang latest creations.   Sa kanyang Instagram post, pinasilip nga ni Heart ang kanyang first-ever handpainted […]