LandBank naglunsad ng ₱50B loan program para sa mga crisis-affected businesses
- Published on May 17, 2022
- by @peoplesbalita
NAGLUNSAD ang Land Bank of the Philippines (LandBank) ng bagong loan program para sa mga negosyong labis na tinamaan ng natural o man-made disasters, gaya ng Russia-Ukraine war.
Sa isang kalatas, araw ng Linggo, inanunsyo ng LandBank ang bagong programa na tinawag nitong NATION SERVES, o National Assistance Towards Initiating Opportunities to Entities sa gitna ng “Social and Economic Reserves which Visible Entail Shockwaves to Businesses.”
Sinabi ng state-run lender na naglaan ito ng ₱50 billion para sa programa, naglalayong makapagbigay ng karagdagang working capital para sa mga negosyo.
Magagamit ng mga negosyo o enterprises ang bagong budget para palakasin ang kanilang operasyon, palawakin ang trading facilities, at stockpile supplies at inventories para mabawasan ang epekto ng naturang krisis.
“LandBank aims to bolster the resiliency of key development industries by cushioning the negative impact of economic disruptions,” ayon kay president at chief executive Cecilia Borromeo.
“Through the NATION SERVES lending program, we will also contribute to preventing price surges on basic commodities as we continue serving the nation,” dagdag na pahayag nito.
Pinapayagan ng programa ang mga negosyo na makapag-secure ng hanggang 85% ng aktuwal na pangangailangan, na may interest rate base sa “applicable” Bloomberg Valuation Reference rate sa panahon ng pag-avail, idagdag pa ang hindi naman lalagpas sa 75% ng “prescribed spread” batay naman sa credit rating ng mga borrower. (Daris Jose)
-
Coo masigla pa rin kahit nagkakaedad
IBINAHAGI nina world-renowned Pinay tenpin bowler Olivia ‘Bong’ Coo Garcia at Gymnastics Association of the Philippines (GAP) president Cynthia Carrion-Norton ang mga karanasan sa katatapos na Philippine Sports Commission’s (PSC) women empowerment web series Rise Up! Shape Up. Pinamagatan ang ikawalong episode ng dalawang buwan ng serye na “Aging Gracefully: Embracing Life’s Golden […]
-
Kasama sa list of finishers ayon mismo sa organizers: RHIAN, naglabas ng proof na natapos nila ni SAM ang NYC Marathon
MAY sagot na si Rhian Ramos kalakip ang NYC Marathon letter tungkol sa ibinalitang hindi raw nila natapos ang race ni Rep. Sam Verzosa. Ayon sa Kapuso actress, “I emailed New York Road Runners to ask why 3 of our splits were missing… here’s their response (Yup! Fact checking is THAT easy!)” Sumagot naman ang […]
-
47 indibidwal, idineklara ng Comelec na nuisance candidate para sa 2025 midterm elections
Nasa 47 indibidwal ang idineklara ng Commission on Elections (Comelec) na nuisance candidate para sa midterm elections sa 2025. Noong nakaraang buwan, nakatanggap ang poll body ng 183 na certificates of candidacy (COCs). Naglabas din ito ng paunang listahan ng 66 na indibidwal na ang mga pangalan ay maaaring isama sa opisyal na […]