• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MIYEMBRO NG ABU SAYYAF GROUP NAARESTO SA NAIA

NAARESTO ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) ang isang hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf Group sa kabila ng pagtatago nito sa kanyang pagkakakilanlan .

 

 

Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente  na si Omar Bin Harun, 52, ay nasabat sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 paglapag niya sakay ng Philippine Airlines mula Kuala Lumpur na nagpakita ng Malaysian passport pero pinaghihinalaang peke ito.

 

 

“While his passport seems to be genuine, we believe he might have procured it through illegal means or by misrepresentation,” ayon kay Morente.

 

 

Ayon sa BI, lumalabas na si Omar, ay isang Filipino national, ay sinasabing miyembro ng ASG at sangkot ito sa 2001 Lamitan Siege na sumakop sa isang simbahan at hospital at ginawang hostage ang mga pari, medical staff at mga pasyente.

 

 

Sinabi naman ni BI-NAIA Anti-Terrorist Group (ATG) Chief Bienvenido Castillo III na nakatanggap sila ng intelligence information hinggil sa pagdating sa bansa ni Omar kaya nakipag-coordinate sila sa ilang law enforcement para sa kanyang pag-aresto.

 

 

“Omar was also said to have links with the terrorist group ISIS,” ayon kay Castillo.  “We were informed then that there was also a warrant for his arrest from the Philippine National Police Southern Police District,” dagdag pa nito.

 

 

Sinabi ni Castillo na nai-turn over na si Omar was turned over na sa PNP na nagpatupad sa kanyang pagkakaaresto.

 

 

“Coordination amongst law enforcement agencies, both here and abroad, is necessary to curb terrorist activities that attempt to destroy the peace and order in our country.  We will remain vigilant to ensure that these criminals are brought to justice,” ayon kay Morente. (GENE ADSUARA)

Other News
  • PBBM, Unang Ginang Liza Marcos pinangunahan ang inagurasyon ng “showcase area” ng Pasig River urban development project sa Maynila

    PINANGUNAHAN nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Unang Ginang Liza Araneta-Marcos ang pagpapasinaya sa showcase area ng Pasig River urban development project sa Maynila.     Sakop ng showcase area ang mahigit sa 500 metro, sa likod ng Manila Central Post Office building, ay bahagi ng “initial phase” ng komprehensibo, multi-agency urban renewal project […]

  • 108 lugar sa bansa nasa ilalim ng state of calamity

    UMAABOT  na sa 108 na lugar sa anim na rehiyon sa Luzon ang nasa ilalim ng state of cala­mity bunsod ng nagdaang bagyong ‘Egay’ at hanging habagat.     Nabatid sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na nasa 2,452,738 katao o 668,974 na pamilya sa 4,164 na barangays ang apektado sa Ilocos […]

  • Bulkang Taal itinaas sa Alert Level 2 dahil sa ‘increasing unrest’

    Matapos ang halos isang taon, iniakyat muli ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa Alert Level 2 ang Bulkang Taal matapos ang serye ng papatinding ligalig magmula pa noong nakaraang buwan.     Umabot na sa 866 shallow volcanic tremor episodes at 141 low-frequency volcanic earthquakes ang ipinamamalas ng bulkan magmula pa noong ika-13 […]