• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga Filipino sa Vietnam, todo suporta sa mga atletang pinoy na sumasabak sa 31st SEA Games

IBA’T IBANG pamamaraan ang ginagawa ngayon ng mga Pilipino sa Vietnam para maipakita ang kanilang suporta sa mga Pilipino athlete sa nagpapatuloy na 31st South East Asian Games.

 

 

Sinabi ni Bombo International News Correspondent Arlie Dela Peña, isang guro sa Hanoi, Vietnam na kahit kaunti lamang silang mga Pilipino sa naturang bansa ay mainit ang kanilang suporta sa team ng Pilipinas.

 

 

Aniya, iba’t ibang pamamaraan ang kanilang ginagawa para maipakita ang kanilang suporta.

 

 

May mga nagpapagawa ng scarf na may nakalagay na Mabuhay Pilipinas, nagpapadisenyo sila ng mga T-shirt, may dala silang watawat ng Pilipinas sa pagtungo sa venue at flaglets.

 

 

Kahit nasa malayo aniya ay nagpupunta para manood at nang magkaroon ng suporta sa mga atleta ng bansa.

 

 

Pinakaabangan naman nila si weighlifter Hidilyn Diaz at ang soccer team ng Pilipinas.

 

 

Sa ngayon ay patuloy na nangunguna ang host country na Vietnam sa 31st South East Asian Games.

Other News
  • Alfred Vargas’ ‘Tagpuan’, Best Feature Film at the 6th Chauri Chaura Int’l Film Festival

    TAGPUAN was declared as the Best Feature Film at the 6th Chauri Chaura International Film Festival in India last February 3, 2021.     As one of the official entries at the 46th Metro Manila Film Festival last December, the film got 11 nominations and 2 awards, 3rd Best Picture and Best Supporting Actress for […]

  • DBM, naglaan ng P783 milyong piso sa 2024 NEP

    UPANG magawa at maisakatuparan ang implementasyon ng iba’t ibang programa  at polisiya tungo sa pagsusulong ng  Micro, Small, and Medium Enterprises (MSME), inanunsyo ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah F. Pangandaman  na naglaan ito ng P783 milyong piso para sa MSME Development Program sa panukalang 2024 National Expenditure Program (NEP) ng Department […]

  • National Board of Canvassers, binuo na

    PORMAL nang binuo at nag-convene ang National Board of Canvassers (NBOC) ng Commission on Elections (Comelec) para sa senatorial at party-list elections.     Personal na pinangunahan ito ni Comelec Chairman Saidamen Pangarungan, kasama ang mga kinatawan ng mga kandidato at partidong politikal na saksi sa pagbubukas sa mga plastic na kahon na naglalaman ng […]