Mga pasilidad ng PSC nananatiling sarado
- Published on November 18, 2020
- by @peoplesbalita
Mananatiling sarado ang mga sports facilities ng Philippine Sports Commission (PSC) habang wala pang nakukuhang ‘green light’ mula sa Inter-Agency Task Force (IATF).
“All PSC sports facilities in RMSC and Philsports Complex remain closed until further notice,” pahayag ng sports agency kamakalawa.
Ilang linggo matapos pumutok ang coronavirus disease (COVID-19) noong Marso ay kaagad ipinag-utos ni PSC chairman William ‘Butch’ Ramirez ang pagpapasara sa kanilang mga pasilidad.
Ang mga ito ay ang Rizal Memorial Sports Complex sa Vito Cruz, Manila at ang Philsports Complex (dating Ultra) sa Pasig City.
Kasabay nito ay ang pagpapauwi ng sports agency sa lahat ng national athletes at coaches na pansamantalang naninirahan sa nasabing mga pasilidad.
Sa pagsagupa ng gobyerno sa COVID-19 pandemic, ginamit ang RMSC at Philsports Complex bilang mga quarantine facilities ng mga nagpositibo sa virus.
Bukod sa pagkakasara ng kanilang mga sports facilities ay natengga rin ang mga sports programs ng PSC sa taong ito.
-
FDA, nakikipag-ugnayan na rin sa gumagawa ng popular na Filipino instant noodles dahil sa isyu ng ‘ethylene oxide’
NAKIKIPAG-UGNAYAN na rin ang Philippine Food and Drugs Administration (FDA) sa kumpanya na gumagawa ng popular at paboritong instant noodle brand ng mga Pinoy para masuri ang safety standards compliance nito. Ayon sa FDA, sinimulan na nila ang pag-imbestiga sa naturang produkto kasunod ng lumabas na report mula sa European countries sa Ireland, […]
-
Aryna Sabalenka champion ng Women’s Australian Open
Abot-langit pa rin ang kasiyahan ni Belarusan tennis star Aryna Sabalenka matapos na magkampeon ito sa Australian Open. Tinalo niya kasi Elena Rybakina sa score 4-6, 6-3, 6-4 para makuha ang kampeonato. Umabot sa dalawang oras, 28 minuto ang nasabing laro. Ito ang unang Grand Slam Final ng fifth seed na si […]
-
RFID DRIVE THRU, GAGAWIN SA MAYNILA
DALAWANG araw na RFID drive-thru installation ang isasagawa sa Lungsod ng Maynila. SA kanyang Facebook live, sinabi ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na idaraos ito simula Oct.31 hanggang Nob.1 na gaganapin sa Kartilya ng Katipunan. Magsisimula ito mula alas- 9:00 ng umaga hanggang alas-6:00 ng gabi sa nasabing petsa. Gayunman, […]