SC, natanggap na ang ika-2 petisyon sa hiling na TRO sa vote canvassing at proklamasyon kay Marcos
- Published on May 20, 2022
- by @peoplesbalita
NATANGGAP na ng Korte Suprema ang ikalawang petisyon na humihiling para sa temporary restraining order (TRO) sa canvassing ng Kongreso sa mga boto at proklamasyon bilang pangulo kay Bongbong Marcos.
Sa 75 pahinang petisyon ng grupo, hinihimok din ang SC na ideklara ang kandidato na may pinakamaraming votes na si VP Maria Leonor Gerona Robredo bilang panalo sa katatapos na halalan kung mabaliktad ang ruling ng Comelec.
Ang mga petitioners na naghain ikalawang petisyon ay pinangungunahan nina Bonifacio Parabuac Ilagan, Saturnino Cunanan Ocampo, Maria Carolina Pagaduan Araullo, Trinidad Gerilla Repuno, Joanna Kintanar Carino, Elisa Tita Perez Lubi, at Liza Largoza Mazan na pawang mga miyembro ng Campaign Against the Return of the Marcoses and Martial Law (CARMMA) kasama ang martial law survivors, religious at youth rights advocates,
Ayon sa SC, ang unang petisyon na inihain noong Mayo 16 ay na-assign sa isang hukom na magsasagawa ng inisyal na pagsisiyasat at magsusumite ng rekomendasyon sa plea para sa temporary restraining order.
Sa kanilang petisyon, inihayag ng mga ito na bigo raw si Marcos na maghain ng kaniyang income tax returns sa apat na magkakasunod na taon noong siya ay nanunungkulan pa bilang bise gobenador at gobernador ng Ilocos Norte mula noong taong 1982 hanggang 1985 na hindi maituturing na isang simpleng omission lamang.
Inaasahan na ang ikalawang petisyon ay consolidated sa unang kaso.
Subalit ngayon ang justice na in-charge sa naturang petisyon ay hindi pa nagsusumite ng plea for TRO sa unang petition. (Daris Jose)
-
Obiena nagtatak ng PH record
TULOY ang pag-angat ng tikas ni national athlete Ernest John ‘EJ’ Obiena sa pagsasanay at paghahanda para sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na iniurong lang sa parating na July 23-August 8. Patotoo ang magarang umpisa niya sa taong 2021 sa pagtatala ng bagong national indoor pole vault record maski […]
-
KAYA SCODELARIO, THE NEW KICK-ASS PROTAGONIST IN “RESIDENT EVIL: WELCOME TO RACCOON CITY”
BRITISH actress Kaya Scodelario (The Maze Runner franchise, Pirates of the Caribbean: Salazar’s Revenge, and alligator thriller Crawl) stars as Claire Redfield, the street-smart, sassy, kickass protagonist of Columbia Pictures’ action horror Resident Evil: Welcome to Raccoon City (in Philippine cinemas Dec. 15). [Watch the film’s Nightmare Trailer at https://youtu.be/Qu9IgB0yG6k] “I’d grown up with her, watching her […]
-
Philippine rowers suportado ng PSC
Bukod sa tulong-pinansiyal ay suportado rin ng Philippine Sports Commission (PSC) ang mental health ng mga national rowers na tatarget ng Olympic Games berth sa Tokyo, Japan. Ang Medical Scientific Athletes Services (MSAS) units ng PSC ang nagpapatibay sa pag-iisip ng five man-national rowing team na sasagwan sa 2021 World Rowing Asian-Oceanian Olympic […]