BRP TERESA MAGBANUA, GAGAMITIN SA PAGPAPATROLYA
- Published on May 20, 2022
- by @peoplesbalita
GAMITIN sa pagpapatrolya ang bagong barko na BRP Teresa Magbanua ng Philippine Coast Guard (PCG) sa West Philippine Sea (WPS) sa sandaling makabalik ito mula sa Regional Marine Pollution Exercise (Marpolex) 2022 sa Indonesia.
Sinabi ni PCG Rear Admiral Bobby Patrimonio, ng PCG Marine Environmental Protection Command, na ang nasabing barko ay gagamitin sa “sovereign patrol” at palakasin ang maritime border security ng bansa.
Ayon kay Patrimonio, nagbigay ng direktiba si PCG Admiral Artemio Abu sa mga barko na muling magpatrolya sa WPS , sa Benham Rise.
Dagdag pa, ang BRP Teresa Magbanua aniya ay handa na maghatid ng mga kalakal at tao sakaling magkaroon ng maritime incident o anumang sakuna.
Sa ngayon ang BRP Teresa Magbanua at ilan pang barko ng PCG ay naglalayag na patungong Makassar,Indonesia para lumahok sa Marpolex 2022 na gaganapin sa May 22 hanggang 29.
Makakasama ng PCG sa aktibidad ang Directorate General of Sea Transportation (DGST) ng Indonesia at Japan Coast Guard (JCG).
“Ang kahalagahan nito ay ang mapagtibay at paghandain iyong tauhan natin at saka iyong mga tauhan ng Indonesia in case of any transboundary oil spill,” sabi ni Patrimonio
Ayon pa sa opisyal, ang “interoperability” nang barko ng PCG ay masusubok din sa panahon ng pagsasanay.
Nitong Lunes ay isinagawa ang send-off ceremony para sa BRP Teresa Magbanua bago naglayag para sa Marpolex 2022.
Kasama rin sa pagsasanay ang BRP Gabriela Silang, BRP Malapascua, at BRP Cape Engaño ng PCG. (GENE ADSUARA)
-
Ads May 11, 2024
-
Sharon, tinawag na ‘balyena’ ng basher na pabirong sinagot niya na ‘dugong’ naman
MULING nag-post si Megastar Sharon Cuneta na na naka-swimsuit at may caption na, “O last na ito for this season ha?!” Gamit ang mga hashtags na #kimkurdapia #sharon2021 #JLoYourenotalone. Isa sa agad naman nag-comment si Ara Mina ng, “Wow o wow! Sexy naman ng Ate Sha ko.” Marami ngang natuwa at puring-puri ang […]
-
PNP susuriin ang alegasyon na ‘election sabotage’
SUSURIIN umano ng Philippine National Police (PNP) ang mga umano’y ulat na sasabotahe sa pagsasagawa ng halalan sa Mayo 9 gaya ng iginiit ng apat na kandidato sa pagkapangulo. Sinabi ni PNP chief General Dionardo Carlos na wala pa silang na-encounter na ganoong ulat sa ngayon, ngunit nangakong kukunin ang mga detalye mula […]