• June 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sharon, tinawag na ‘balyena’ ng basher na pabirong sinagot niya na ‘dugong’ naman

MULING nag-post si Megastar Sharon Cuneta na na naka-swimsuit at may caption na, “O last na ito for this season ha?!  

 

Gamit ang mga hashtags na #kimkurdapia #sharon2021 #JLoYourenotalone.

 

Isa sa agad naman nag-comment si Ara Mina ng, “Wow o wow! Sexy naman ng Ate Sha ko.”

 

Marami ngang natuwa at puring-puri ang makinis na skin ni Mega. Puna ng netizens pantay na pantay ang complexion niya na parang hindi 55 years old, pero hindi naman talaga nawawala ang kanyang mga bashers.

 

Ilang nga sa naging comments:

 

“Juice colored contest sila ng anak sa mga posing posing.

 

“In fairness, mas firm pa tignan ang body niya kaysa kay KC.

 

“Like mother, like daughter lang ang peg.Nainggit yata si Ate Shawi sa mga “pa-pata photos” ni KC eh.

 

“Jusmiyo sharon tigil na! Hindi ka naman hot babe! Have the decency not to make yourself a laughing stock! Your had your time and it’s over! Don’t hang on to fame..it’s fleeting!

 

“Her page, her body, her rules. For her age she looks good. I would also like a pic taken of me if I look like that at 50 plus. For posterity. Walamg basagan ng trip. Lol.

 

“Hayaan nyo na at matagal hindi nakapagpost ng ganyan, kung ako din pumayat ng todo eh nagpopost din ako no!

 

“Grabe naman kayo maka-react kay Tita Mega. Porke ba hindi Alice Dixson ang katawan nya?

 

“hayaan niyo nga si Ate Shawie gawin ang gusto niya. jusko ang mga body shamers! asikasuhin ninyo ang buhay ninyo.”

 

Pero may isang basher na ang lakas ng loob na mag-comment sa IG post ni Mega ng ‘balyena ba yan?’

 

Buti na lang, game si Mega na patulan at pabirong sinagot na lang nito na, “Dugong naman.”

 

Kaya naman ipinagtanggol ng netizens si Sharon sa naturang basher.

 

Opinyon nila:

 

“Ahahah I love ate Shawie for this. Grabe naman maka-pintas yung iba

 

“Grabe naman yung Balyena wala namang buntot si Sharon as far as i know

 

“Gandang balyena naman nyan.

 

“Vavavoom si mega! Kaedaran sya ng mama ko pero ang kutis ni mega pang 20+ lang. Kebs na kung voluptuous e ganyan din naman katawan ng Kardashians!

 

“Flawless talaga… For her age kinship ha!

 

“Kutis labanos ni idol!!!

 

“Ang basher mahirap. Si Sharon Mayaman. Kalain mo ang mahirap na basher na nakasakay sa tricycle yun pa yung manlalait ng Mayaman na naka mamahalin kotse.

 

“Sharon is aging disgracefully.”

 

(PHOTO: instagram/sharon cuneta)

 

***

 

SAMANTALA, nag-post din si KC Concepcion ng sexy photo na kuha sa Amanpulo pero may sweet caption ito na para kay Sharon Cuneta na kanyang sinorpresa.

 

Post ni KC, “Mom’s got great taste in homes and interiors. I dream of building her a ‘never neverland’ on the beach for her own enjoyment, maybe someday… Villa 20 ♡”︎

 

Wala pa kaming nakitang reaction ni Mega, pero sure ikatutuwa niya ito and hopefully, maisakatuparan nga ito ni KC sa darating na panahon. (ROHN ROMULO)

Other News
  • Loveteam nila puwede i-compare kina Guy and Pip: BARBIE, ngayon lang nakita na cute ang mga daliri sa paa ni DAVID

    KAHIT matagal silang nagkasama sa Maria Clara At Ibarra ay may mga nadiskubre pa rin si Barbie Forteza kay David Licauco sa muli nilang pagsasama sa ‘Maging Sino Ka Man’ na umeereng teleserye ngayon ng GMA.   “Ako, na-discover ko kay David na ngayon ko lang din na-realize, ever since pala kasi na magkatrabaho kami, […]

  • Ilang opisyal ng DFA, positibo sa COVID-19

    Sarado muna ang punong tanggapan ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang sa Martes, Pebrero 2, 2021, para sa pag-disinfect.     Ito ang naging anunsyo ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin, Jr., matapos na magpositibo sa COVID-19 ang ilan sa kanilang mga opisyal.     Agad namang nilinaw ni Locsin na negatibo na siya […]

  • Truck driver tinarakan ng nakaalitang e-trike driver sa Malabon

    MALUBHANG nasugatan ang 33-anyos na truck driver matapos saksakin ng nakaalitang e-trike driver sa kalsada sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.     Inoobserbahan sa Caloocan City Medical Center sanhi ng tinamong saksak sa kanang braso at ibabang bahagi ng kanang dibdib ang biktimang si alyas “Jojo’, 33 ng Parola Compound, Area B Gate 13, […]