Bilang ng mahihirap na pamilya, mahigit sa 43% – Anakpawis
- Published on May 21, 2022
- by @peoplesbalita
POSIBLENG mahigit pa sa 43% o 10.9 milyon pamilyang Pilipino ang mahirap.
Ito ang reaksyon ng Anakpawis Party-list sa lumabas na Social Weather Station (SWS) poverty survey para sa unang bahagi ng taon.
Sa naturang survey na ginawa mula Abril 19 hanggang Abril 27, lumalabas na 43% ng mga Pinoy ang nag-rate sa kanilang sarili bilang “mahirap” habang 34% naman ang naniniwalang sila ay nasa “borderline poor.”
Dalawampu’t tatlong (23%) prosiyento naman ang kinukunsidera nila ang sarili na “not poor,” ayon pa sa survey na ipinalabas nitong Miyerkules.
“Ang kailangan i-note rito ay dahil ‘self-rated.’ Dahil masyadong humble ang mga mahihirap na pamilya, inakala nilang kung may P15,000 sila kada buwan ay hindi na sila mahirap, na sa daily average household income, ito lang ay P500, na malinaw na kulang na kulang para buhayin ang isang pamilya,” ayon kay Ariel Casilao, Anakpawis Party-list National President sa isang press statement.
Lumabas pa sa survey na ang Self-Rated Poverty Threshold ay nasa P12,000- P15,000 kada buwan at ang Self-Rated Poverty Gap ay mula P5,000 hanggang P6,000.
Sinabi ni Casilao na makakatulong ang survey na maipakita ang national poverty situation, ngunit malayo ito kabuuang sitwasyon.
“Mas makikita ang tunay na bilang ng mahirap na pamilya sa Family Income and Expenditure Survey, kung saan 80% o 19.7 milyong pamilya ang nabubuhay lamang sa P1,000 at mas mababa na household income kada araw,” pahayag pa ni Casilao.
Kung Family Living Wage ang ginamit aniya ng SWS ay mas magiging superyor ito, at maaari pa ngang gamitin ito sa mga policy recommendation, laluna ngayong kailangan ng ayuda ng mga mahihirap na pamilya, gayundin ang mga small-and-medium enterprises na tinamaan ng inflation bunsod ng walang katapusang oil price hike.
“Established fact na kasi na napakaraming mahihirap ngayon sa bansa tulak ng krisis pang-ekonomiya, ang kailangan ngayon ng mga maralitang sektor ay mga makabayan o maka-masang survey, study o research na kapaki-pakinabang at magsisilbing batayan ng mga kanilang panawagan para itaas ang sahod, regularisasyon sa trabaho at seguridad sa kabuhayan, at sapat na ayuda,” pagtatapos ni Casilao. (ARA ROMERO)
-
SC binasura ang petition renaming MIA to NAIA
Binasura ng Supreme Court (SC) ang petition ng lawyer na si Larry Gadon upang ipawalang bisa ang 33-year-old na batas sa pagbabago ng Manila International Airport (MIA) upang maging Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Sa isang full session noong Martes, ang mga justices ng SC ay sumangayon lahat na hindi pagbigyan ang petition dahil […]
-
PSC mamamagitan na sa alitan nina Obiena at PATAFA
Nanawagan ang Philippine Sports Commission (PSC) sa pagresolba ng gusot sa pagitan ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) at si pole vaulter EJ Obiena. Ayon sa PSC na handa silang mamagitan at magsagawa ng pag-uusap sa dalawang panig. Nagbabala rin ang PSC na kapag bigong maresolba at magmatigas ang […]
-
Wall of heroes, itinatayo na sa Libingan ng mga Bayani- PDu30
NAKIISA at pinangunahan ngayon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagdiriwang ng ika-123 Anibersaryo ng Proklamasyon ng Philippine Independence “Kalayaan 2021: Diwa ng Kalayaan sa Pagkakaisa at Paghilom ng Bayan’ Malolos City, Bulacan. Sa nasabing seremonya, ibinalita nito na mayroon nang itinatayo na “wall of heroes” sa Libingan ng mga Bayani. Pumayag kasi […]