• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bowlers, judoka sumikwat ng ginto

HABANG tuluyan nang inangkin ng host Vietnam ang overall champion ay nakikipaglaban naman ang Pilipinas para sa No. 3 seat sa medal standings ng 31st Southeast Asian Games sa Hanoi.

 

 

Dalawang gold medals lamang ang nakamit ng mga Pinoy athletes mula sa national men’s bowling team at kay judoka Rena Furukawa kahapon.

 

 

Mayroon ngayong 40 golds, 57 silvers at 77 bronzes ang Pinas na nahulog sa No. 4 sa ilalim ng Vietnam (152-90-82), Thailand (62-65-95) at Indonesia (41-61-56).

 

 

Habang tuluyan nang inangkin ng host Vietnam ang overall champion ay nakikipaglaban naman ang Pilipinas para sa No. 3 seat sa medal standings ng 31st Southeast Asian Games sa Hanoi.

 

 

Nag-ambag ng silver sina judokas John Viron Ferrer (men’s -90kg) at Keisei Nakano (men’s -73kg) at may bronze si Megumi Kurayoshi (wo­men’s -63kg).

 

 

Posible pang makahugot ng gold ang bansa mula sa boxing at esports.

 

 

Swak sa finals sina Tokyo Olympics bronze medalist Eumir Felix Marcial (men’s -75) at Rogen Ladon (men’s -52kg) para makatiyak ng silver.

 

 

Minalas naman sina James Palicte (men’s -63kg), Josie Gabuco (women’s -48kg) at Riza Pasuit (women’s -57kg) para magkasya sa bronze.

 

 

Sa esports, umabante ang Team Philippines-Sibol sa finals ng Mobile Le­gends: Bang Bang men’s division matapos ang 2-1 panalo sa Singapore sa semis.

 

 

Nauna nang inangkin ng all-female team Sibol-Grindsky Eris ang ginto sa League of Legends: Wild Rift event.

 

 

Nagsulong ng silver sina IM Paulo Bersamina at GM Darwin Laylo (men’s team rapid), Christine Hallasgo (women’s marathon), archers Paul Marton Dela Cruz at Jennifer Chan (mixed team compound), wrestlers Alvin Lobreguito (men’s freestyle -57kg) at Jhonny Morte (men’s freestyle -65kg).

 

 

Samantala, nabigo ang national women’s volleyball team sa Vietnam, 23-25, 18-25, 16-25, sa pagtatapos ng preliminary at nahulog sa agawan sa bronze medal kontra sa Indonesia bukas.

Other News
  • Donaire tinanggap na ang pag-sorry ni Casimero

    Tinanggap na ni Nonito Donaire Jr ang paghingi ng paumanhin ng kapwa nitong Pinoy boxer na si John Riel Casimero.     Sa paghaharap ng dalawa sa isang online interview na nag-sorry si Casimero sa kaniyang koponan at mga fans na nasangkot sa palitan nila ng salita sa social media ng tinaguriang “The Filipino Flash”. […]

  • PBBM: Bantag, nagtayo ng sariling ‘kaharian’ sa Bilibid

    NAGTATAG  ng kanyang sariling ‘kaharian’ o teritoryo ang suspendidong hepe ng Bureau of Corrections na si Gerald Bantag sa loob ng New Bilibid Prison (NBP), ayon kay Pangulong Marcos ilang araw matapos ang pagsasampa ng mga kasong murder laban sa una at sa iba pang mga indibidwal dahil sa pagpatay sa broadcaster na si Percy […]

  • Walang “favoritism” sa distribusyon ng Covid-19 vaccine

    WALANG “favoritism” sa distribusyon ng COVID-19 vaccines sa iba’t ibang panig ng bansa.   Ito ang tugon ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. sa sinabi ni dating Health secretary at ngayon ay Iloilo Representative Janette Garin, na mayroong “palakasan” o patronage system sa pamamahagi ng COVID-19 vaccines.   “Dini-distribute natin ang ating mga vaccine […]