Random manual audit, 99.9% ang match rate sa automated tally – Comelec
- Published on May 24, 2022
- by @peoplesbalita
AABOT sa 99.9 percent ang match rate ng isinasagawang random manual audit (RMA) ng mga boto noong May 9 elections kumpara sa automated tally.
Ayon sa Commission on Elections (Comelec), nasa 99.97 percent accuracy ang naitala para sa presidential position, 99.94 percent naman para vice presidential, 99.97 percent sa senatorial, 99.79 percent sa party-list, 99.95 percent sa mga miyembro ng House of Representatives at 99.94 percent para sa mayoral positions.
Ang resulta ng RMA ay base sa 128 sa 757 o 16.91 percent ng total sample clustered precincts.
Sinabi naman ng poll body na ang computation ng preliminary accuracy rate ay base sa marks at votes sa kada posisyon.
Ito ay encoded ng Philippine Statistics Authority (PSA). (Daris Jose)
-
Kulong, multa posible sa nakasabay ng Pinoy na may new COVID-19 variant
Maaaring humarap sa kaso, multa at kulong ang mga nakasalamuha ng Pilipinong nahawaan ng mas nakahahawang United Kingdom variant ng coronavirus disease (COVID-19) kung patuloy silang hindi makikipag-ugnayan sa gobyerno, paglalahad ng Department of Health (DOH), Biyernes. Kahapon kasi nang unang banggitin ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ilan sa mga contacts ng […]
-
2.2 milyong mag-aaral, mabebenepisyuhan ng ‘Libreng Sakay’ ng LRT-2
INIHAYAG ni Light Rail Transit Authority (LRTA) Administrator Atty. Hernando T. Cabrera na tinatayang aabot sa 2.2 milyon ang mga mag-aaral na makikinabang sa ‘Libreng Sakay’ program na ipagkakaloob ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) sa unang quarter ng School Year 2022-2023. Ayon kay Cabrera, ang ‘Libreng Sakay’ program ng LRT-2 ay […]
-
Administrasyong Marcos, pinakikilos sa laganap na extra-judicial killings sa bansa
PATULOY ang Task Force Detainees of the Philippines (TFDP) sa paghahanap ng katarungan ng mga biktima ng karahasan at pang-aabuso sa karapatang pantao sa bansa. Ito ang ibinahagi ni TFDP Chairperson Rev. Fr. Christian Buenafe, O.Carm, sa katatapos na pagsusuri ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) sa human rights record ng Pilipinas. […]