Buong Luzon, isinailalim sa State of Calamity
- Published on November 19, 2020
- by @peoplesbalita
ISINAILALIM ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang buong Luzon sa ilalim ng State of Calamity dahil sa serye ng bagyo na tumama sa bansa.
Itinuturing na ang pinakahuling bagyo na si bagyong Ulysses ang nagsilbing gatilyo ng malalang pagbaha sa bansa sa mga nakalipas na taon na nag-iwan ng maraming namatay na katao.
Ang State of Calamity ay naglalayong payagan ang local officials na gamitin ang kanilang emergency funds at magpatupad ng price freeze sa mga pangunahing bilihin.
“Last night I think I signed the proclamation,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang public address, Martes ng gabi.
Ginawa ng Chief Exevutive ang deklarasyon matapos na lumipad tungo sa Cagayan Valley region, kung saan ang weather disturbances at ang malaking pagpapakawala ng tubig mula sa dam ay pinaniniwalaang nakaapekto sa libong pamilya doon.
May ilang nananatili sa kanilang bubungan para makatakas sa 2-storey high floods.
Nauna rito, inirekomenda ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kay Pangulong Duterte na isailalim sa State of Calamity ang buong Luzon.
Ito ay matapos ang sunud-sunod na paghagupit ng bagyong Quinta, Rolly at Ulysses sa Luzon.
Ayon kay NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad, nagsagawa ang NDRRMC ng emergency meeting kanina at pinag-usapan ang rekomendasyong state of calamity sa Luzon.
Layon nilang matutukan ang epekto na iniwan ng mga magkakasunod na bagyo.
Sinabi pa ni Jalad na napag-usapan din sa pagpupulong na mag-convene ang Technical Working Group para sa gagawing joint prevention, mitigation at paghahanda ng mga clusters ng NDRRMC para i-assess ang sitwasyon ng mga dam.
Bukod dito, kailangan din muling bisitahin ang historical data para makapaghanda kapag may bagyo, gayundin ang tulong sa mga magsasaka, mangingisda at mga nawalan ng kabuhayan at tirahan.
Kaugnay nito, sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa NDRRMC chairperson na inatasan niya ang PAGASA na bisitahin ang lugar upang mas mapabuti pa ang sistema sa pagbibigay ng warning hinggil sa pagdating ng bagyo. (Daris Jose)
-
Bangsamoro leaders, kinonsulta sa bagong lagda na Anti-terror bill
TINIYAK ng Malakanyang na nakonsulta ang Bangsamoro leaders sa Anti-Terrorism Council sa pagpapatupad ng bagong lagdang batas na Anti, Terrorism Bill. Umapela kasi si Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Chief Minister Ahod Ebrahim na magkaroon ng “representation” ang kanilang rehiyon sa nine-man council. Aniya, required ang Anti-Terrorism Council, sa pangunguna ni Executive Secretary […]
-
PBBM, bitbit ang tungkulin at responsibilidad sa gitna ng COVID-19 isolation
TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa sambayanang Filipino na tuloy ang kanyang trabaho bilang halal na Pangulo ng bansa dahil bitbit niya ang kanyang tungkulin at responsibilidad sa gitna ng kanyang five-day isolation matapos na mag-positibo sa COVID-19. Sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) na nag-positibo si Pangulong Marcos sa COVID-19 […]
-
LTO hiniling na suspendihin ang NCAP
HINILING ng Land Transportation Office (LTO) sa mga lokal na pamahalaan na suspendihin muna ang pagpapatupad ng no-contact apprehension policy (NCAP) habang ang mga regulasyon ay inaayos at nirerepaso pa. Ito ay sa gitna ng mga reklamo mula sa mga public utility vehicle drivers at mga pribadong may-ari ng mga sasakyan. […]