P81-M halaga ng shabu nasabat sa Valenzuela, 3 kalaboso
- Published on May 24, 2022
- by @peoplesbalita
UMAABOT sa P81 milyon halaga ng shabu ang nasamsam ng mga awtoridad sa tatlong hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos maaresto sa buy bust operation sa Valenzuela City, kahapon ng umaga.
Kinilala ang naarestong mga suspek bilang sina Algie Mengote Labenia, 43 ng 9th Street, Brgy. Amsic, Angeles, Pampanga, Nolan Sarsalito Julia, 43 ng Apolonio Compound Muntinlupa City at Joseph Villamor Malasaga, 50 ng Barangay Maligaya, CaloocanC City.
Ayon kay Northern Police District(NPD) Director PBGEN Ulysses Cruz, dakong alas-11:30 ng umaga nang magsagawa ang mga operatiba ng SOU, NCR PNP DEG, RID NCRPO, RDEU NCRPO, PDEA NCR at Valenzuela City Police ng buy bust operation sa Maysan Road corner Cecilio St., J. Santos Street, Valenzuela City na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.
Narekober sa mga suspek ang humigit-kumulang 12 kilos ng hinihinalang shabu na may standard drug price Php 81-milyon, isang tunay na P1,000 bill at sampung bugkos ng P1,000 boodle money, isang Honda Civic na kulay berde, 2 cellphones, mga identification cards at mga dokumento.
Pinuri ni PLTGEN Vicente Danao Jr, OIC PNP ang matagumpay na operasyon kontra ilegal na droga ng pinagsanib na pwersa habang nahaharap naman sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang aarestong mga suspek. (Richard Mesa)
-
Andrea, magiging masaya pa rin ang Pasko dahil sa pamilya
HINDI dahilan ang pakiki- paghiwalay ni Andrea Torres kay Derek Ramsay para hindi maging masaya ang Pasko niya. Tuloy ang Pasko ni Andrea dahil nandiyan daw ang kanyang pamilya na nagmamahal sa kanya unconditionally. “Ngayon ang importante is ‘yung bonding ng family. Ever since naman ‘yun ang number one sa lahat: to make […]
-
PBA nakaabang na sa vaccine
Nag-aabang na ang Philippine Basketball Association (PBA) sa vaccine na gagamitin sa mga players, coaches at officials nito. Ayon kay PBA commissioner Willie Marcial, kumpirmado na ang vaccine ng liga dahil kasama na ito sa listahan ng mga nag-order sa Red Cross. “Nag-request na kami sa Red Cross at nag-confirm na […]
-
Maaaring tumakbo bilang substitute candidate para sa pagka-senador
ISINIWALAT ni Presidential Spokesperson Harry Roque na may opsyon siyang tumakbo bilang substitute candidate sa pagka-senador sa 2022 elections. “I found out just recently that PRP (People’s Reform Party) has apparently asked someone to file by way of substitution, giving me the opportunity to run on or before Nov. 15,” ayon kay Sec. […]