• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tokyo Olympic bronze medalist Eumir Marcial, ibinulsa ang 3rd gold medal ng Phl sa boxing sa SEA Games

PANALO sa pamamagitan ng stoppage ang Tokyo Olympic bronze medalist Eumir Marcial laban sa East Timorese slugger Delio Anzaqeci sa unang round pa lamang ng kanilang pagharap sa 31st Southeast Asian (SEA) Games na ginanap sa Bac Ninh Gymnasium.

 

 

Ginamit ni Marcial ang kanyang jab para i-set up ang kanyang kalaban para sa isang right hook na nagpabagsak sa East Timorese.

 

 

Dahil sa mga binitawang hooks ni Marcial ay dalawang beses na binilangan ng eight count ng referee si Anzaqeci sa parehong round.

 

 

Matapos ang ikalawang 8 count ng referee sa East Timorese ay itinigil na nito ang laban at ibinigay kay Marcial ang 5-0 win.

 

 

Ito na ang ika-apat na SEA Games overall gold medal ng boksingero.

 

 

Samantala, ang defending champion Rogen Ladon ay naibulsa rin ang first boxing gold medal sa bansa matapos talunim ang Vietnamese na si Tran van Thao.

 

 

Nasungkit din ni Ian Clark Bautista ang gold medal para sa men’s featherweight title matapos payukuin ang Myanmar opponent na si Naing Latt.

Other News
  • 4 DRUG PERSONALITIES TIMBOG SA P.6-M SHABU

    KALABOSO ang apat na hinihinalang drug personalities matapos makuhanan ng higit sa P.6 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng mga pulis sa Malabon city, kamakalawa ng gabi.   Kinilala ni Malabon police chief Col. Jessie Tamayao ang naarestong mga suspek na si Mark Anthony Ellaso, 35, Jose Taguiwalo, 48, Dennis Cruz, 49 […]

  • MAG-DYOWA, 2 PA ARESTADO SA BUY-BUST

    TINATAYANG 10 gra,o ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng  P680K halaga ang nasabat Manila Police District (MPD)-Station 5  sa apat na katao sa isinagawang buy bust operation sa Intramuros, Manila Lunes ng gabi.     Kinilala ang mga suspek na si Aldwin dela Cruz, 43; at kasintahan nito na si  Monica Orlanda y LLego,26; na  […]

  • Mga dadalo ng SONA 2022, dapat sumailalim sa RT-PCR test

    MGA dadalo ng SONA 2022, dapat sumailalim sa RT-PCR test ng mula Sabado (Hulyo 23) ng ala-1:30 ng hapon       Ito ang nakapaloob sa ipinalabas na health and safety protocols ni House of Representatives Secretary-General Mark Llandro Mendoza bilang guidance sa mga dadalo sa pagbubukas ng First Regular Session ng 19th Congress at […]