• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Valenzuela City magbibigay ng P 6-milyong tulong sa Rolly victims

Magkakaloob ang Valenzuela City ng P 6-milyong financial assistance sa mga biktima ng Super Typhoon Rolly  sa ilang lungsod at munisipalidad sa mga probinsya ng Albay, Camarines Sur at Catanduanes sa pagtatapos ng lingo.

 

Nakasaaad sa Council Resolution No. 1871, Series of 2020, na awtorisado si Mayor Rex Gatchalian  na maglabas ng podo mula sa the General Fund para sa: Albay –P 2,200,000 cash;  Camarines Sur –P 2,500,000 cash; at Catanduanes –P 1,300,000 cash.

 

Ang Albay, Camarines Sur at Catanduanes ay sinalanta ng signal NO. 5 na Super Typhoon Rolly noong Nobyembre 1 at umabot sa 14 ang namatay sa Albay at anim mula sa Catanduanes kaya’t isinailalim ang mga ito sa “State of Calamity”.

 

Higit sa  isang milyong tao ang naapektuhan ng bagyo sa mga nasabing probinsya kung saan malaking bahagi pa rin ang nananatiling walang kuryente at tubig at maraming pamilya pa rin ang namamalagi sa evacuation centers habang sinusubukang kumpunihin ang kanilang mga napinsalang bahay.

 

“Although we have spent so much fund in the response to COVID-19 that almost depleted our resources, we are still fortunate enough to have some amounts to spare to assist our brothers and sisters who suffered ill luck from the recent super typhoon while the battle against this pandemic is still on going,” ani  Gatchalian.

 

Noong Enero ay nagkaloob ang Valenzuela ng P12-milyong financial assistance sa Taal Volcano eruption victims sa Batangas, at nagbigay din ng P 22-milyong tulong sa probinsya ng Cotabato at Davao del Sur matapos ang magnitude 6.5 na lindol noong Oktubre 2019. (Richard Mesa)

Other News
  • Duterte personal na sinalubong pagdating ng 2.8-M doses ng Sputnik V

    Pinangunahan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsalubong nitong Lunes ng gabi sa pagdating ng 2.8 million doses ng Sputnik V sa Villamor Air Base sa Pasay City.     Ang malaking bulto ng bakuna mula sa Russia ay binili ng gobyerno.     Nagbigay naman ng maiksing talumpati ang pangulo kung saan pinasalamatan niya ang […]

  • 11th ASEAN Para Games gaganapin na sa Indonesia

    GAGANAPIN na sa Solo, Indonesia ang 11th ASEAN Para Games.     Kinumpirma ito ng ASEAN Para Sports Federation matapos maaprubahan ng kanilang Board of Governors.     Unang napili kasi ang Hanoi, Vietnam ang hosting ng nasabing torneo subalit sila ay umatras noong nakaraang taon dahil sa pangamba na COVID-19.     Huling ginanap […]

  • Para mai-share ang talent sa international stage: CHANTY, happy na nabigyan din ng opportunity tulad ng SB19

    FLATTERED raw si Wilma Doesnt na maging bahagi ng main cast ng GMA top-rating show na ‘Abot Kamay Na Pangarap’.   Lahad niya, “Alam mo nakaka-flatter, kasi bago ako naging ninang ni Analyn, ninang na talaga ako ng marami kong pamangkin.   “So ngayon si Analyn ang nagpa-confirm na ako talaga ang tunay na ninang […]