• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

COMELEC, maghihintay ng abiso sa Kongreso sa kung paano mapupunan ang mababakanteng puwesto ni Cavite Congressman Boying Remulla na

HIHINTAYIN muna ng Commission on Elections (Comelec) ang pagdedeklara ng Mababang Kapulungan ng Kongreso para sa vacancy sa puwesto ni Cavite Congressman Crispin “Boying” Remulla.

 

 

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni COMELEC Commissioner George Garcia na dalawang opsyon ang nakikita nila para mapunan ang maiiwang congressional seat ni Remulla kasunod ng pagtanggap nito sa alok na maging DOJ secretary sa Marcos Administration.

 

 

Una na aniya rito ay ang pagsasagawa ng special elections ngunit mangangailangan pa aniya ng batas ukol dito.

 

 

Maaari rin naman sa kabilang banda na magtalaga na lang ang Speaker of the House ng care taker sa distrito na pdeng aktuhan ng isang congressman mula sa kalapit na distrito o di kaya ay nasa discretion na mismo ng House speaker kung sino ang ilalagay na care taker

 

 

Sinabi nito, anuman sa dalawang opsiyon na mapagpapasiyahan ng Kongreso ay iyon ang kanilang nakahandang gawin. (Daris Jose)

Other News
  • DTI, pinag-aaralan na ngayon ang ilang kahilingan ng mga manufacturer na magtaas ng presyo sa bilihin

    PINAG-AARALAN na ngayon ng Department of Trade and Industry (DTI) ang kahilingan ng ilang mga pangunahing bilihin na magtaas ng presyo sa mga bilihin sa bansa.     Ito ay sa gitna pa rin ng kinakaharap na mataas na presyo ng produktong petrolyo na nagbubunsod naman ng pagtaas ng bilihin sa merkado.     Pag-amin […]

  • BATAS SA GAME FIXING, INIHAIN SA KAMARA

    MALALIM na usapin ang game-fixing, ngunit walang pangil ang batas para maabatan ang isyu. Nagkakaisa ang Mababang Kapulungan na napapanahon na para mapagtibay ang batas na magpapataw ng kaparusahan sa mga opisyal, coach, player at sinumang sangkot sa game-fixing.   Ito ang nilalaman ng dalawang bill sa Kongreso na sisimulang talakayin sa House Committee on […]

  • DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 12) Story by Geraldine Monzon

    DAHIL sa pagkalaglag ng sanggol sa sinapupunan ni Angela ay nagka-idea si Roden na posibleng ito ang maging daan para matutuhan siyang mahalin ni Angela. Kung magkakaanak sila ay magiging isang pamilya na sila at makakalimutan na ng babae ang kanyang nakaraan. Kaya nang gabi ring iyon ay gusto na ni Roden na umpisahan ang […]