• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Team Philippines reresbak sa 2023 Cambodia SEAG

MAITUTURING  pa ring tagumpay ang kampanya ng Pilipinas sa katatapos na 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.

 

 

Ito ay mula sa hinakot na 52 gold, 70 silver at 104 bronze medals ng Pinas para pumuwesto sa fourth place sa overall medal standings bagama’t apektado ng pandemya ang training ng mga atleta simula noong 2020.

 

 

Limitado ang naging preparasyon ng mga Pinoy athletes sa loob ng dalawang taon matapos magkampeon noong 2019 Manila edition bunga ng ipinatupad na lockdown, community quarantine res­trictions at mahigpit na health and safety protocols sa bansa dahil sa COVID-19 pandemic.

 

 

Kumolekta ang mga Pinoy athletes ng 149 golds, 117 silvers at 121 bronzes nang pagharian ang SEA Games noong 2019.

 

 

Kagaya ng inaasahan, inagaw ng host Vietnam ang overall crown nang magposte ng 205 golds, 125 silvers at 116 bronzes kasunod ang Thailand (92-103-136) at Indonesia (69-91-81).

 

 

Nasa ilalim ng Pilipinas sa fifth place ang Singapore (47-46-73) at sixth-placer Malaysia (39-45-90).

 

 

Tampok sa fourth-place finish ng Pinas ang limang gintong medalyang hinakot ni two-time world champion Caloy Yulo sa men’s artistic gymnastics.

 

 

Inangkin ni Yulo ang mga golds sa men’s all-around event, floor e­xercise, vault, high bar at rings habang may silver siya sa men’s team event at parallel bars.

 

 

Dinuplika ng 22-anyos na Batang Maynila ang five-gold haul ni gymnast Rolando Albuera noong 1979 SEA Games sa Jakarta, Indonesia.

 

 

Nag-ambag naman ng dalawang ginto si Fil-Am Aleah Finnegan sa wo­men’s team at women’s vault

 

 

Tumumbok din ng dalawang gold si billiards queen Rubilen Amit sa women’s 9-ball at 10-ball events.

 

 

Ipinagpatuloy naman nina Tokyo Olympics gold medalist Hidilyn Diaz, World No. 6 pole vaulter Ernest John Obiena at Tokyo Olympics bronze medal winner Eumir Felix Marcial ang dominasyon sa kanilang mga events.

 

 

Kapwa sinikwat nina Diaz at Obiena ang ikalawang sunod nilang SEA Games gold, samantalang muling naghari si Marcial sa men’s middleweight division sa ikaapat na dikit na pagkakataon.

 

 

Ngunit ang ikinabigla ng lahat ay ang kabiguan ng Gilas Pilipinas men’s 5-on-5 team sa Indonesia sa gold medal match.

 

 

Samantala, kumpiyansa si Philippine Sports Commission (PSC) chairman William ‘Butch’ Ramirez na muling lalaban para sa overall crown ang mga Pinoy athletes sa 2023 SEA Games sa Cambodia.

Other News
  • 2020 Thunderbird Challenge, ilalarga

    ITATAMPOK ang mga matagumpay at bagong sumisikat na mananabong ng North Luzon at Metro Manila sa Thunderbird Pampanga Challenge 2020 na nakatakda sa Porac Cockpit Arena sa Mayo 20.   Lahat ng maging regional qualifier ang mga hahamon sa Thunderbird National Endorser na kinabibilangan nina Abraham Mitra, Sonny Lagon, Nene Abello, Eddiebong Plaza, Nestor Vendivil, […]

  • LTO naka-alerto ngayong Semana Santa

    MAGPAPATUPAD ang Land Transportation Office (LTO) ng heighten alert sa Marso 31 bilang paghahanda sa Semana Santa.     Ayon kay LTO Chief Jay Art Tugade na ipapatupad nila ang “Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa and Summer Vacation 2023.” para matiyak na ligtas ang mga pasahero na uuwi sa kani-kanilang mga probinsiya.     Ilan […]

  • Bulacan, ginunita ang ika-123 Anibersaryo ng Republikang Pilipino

    LUNGSOD NG MALOLOS – Sa pagdiriwang ng isa sa mga pinaka kilalang kaganapan sa Lalawigan ng Bulacan, pinangunahan ni Gob. Daniel R. Fernando ang isang payak na programa sa paggunita ng ika-123 Anibersaryo ng Araw ng Unang Republikang Pilipino na ginanap sa makasaysayang Simbahan ng Barasoain dito kaninang umaga.     May temang “Unang Republikang […]