• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

First Indian na nanalo at ‘di malilimutan ng mga Pinoy: Miss Universe 1994 na si SUSHMITA SEN, nag-celebrate ng kanyang 28th anniversary

MASAYANG-MASAYA ngayon ang StarStruck Season 7 Ultimate Female Survivor na si Shayne Sava dahil nasimulan na raw ang bahay na ipinapagawa niya para sa kanyang pamilya.

 

Panahon na raw na magkaroon na sila ng sariling bahay pagkatapos ng mahabang panahon na pag-rent ng bahay.

 

“Ayun po ‘yung isa sa very kinikilig ako kasi finally mayroon na ‘kong sariling bahay. Siyempre, pinapagawa pa po ngayon so hindi pa po kami makakalipat. Pero ayun po, very thankful po talaga ako sa lahat ng sumusuporta sa akin,” sey ni Shayne na naging breadwinner ng kanyang pamilya.

 

Inipon daw ni Shayne ang mga talent fees niya mula sa mga projects niya kaya matutupad na ang matagal niyang pangarap sa pamilya.

 

“Ito po ‘yung mga naipon ko na sa mga projects. ‘Yung napanalunan ko po sa StarStruck, nagamit ko na ‘yun during pandemic kasi siyempre walang work, natengga tayo for ilang months,” sey pa niya.

 

Napapanood si Shayne sa GMA Afternoon Prime series na Raising Mamay kasama ang veteran actress na si Ai-Ai delas Alas. Kahit daw nasa ibang bansa si Ai-Ai, tuluy-tuloy lang daw ang communication nila.

 

“Binibigyan niya po ako ng fruits kasi parehas po kaming mahilig sa mga prutas. Parang nanay po talaga siya sa akin. Until now, nagkukumustahan kaming dalawa. Sobrang thankful po talaga ko na nakilala si Mamay in person,” pahayag pa ni Shayne.

 

***

 

NAG-CELEBRATE si Miss Universe 1994 Sushmita Sen ng India ng kanyang 28th anniversary bilang kauna-unahang Indian beauty na manalo ng Miss Universe crown.

 

May 21, 1994 noong koronahan si Sushmita sa Pilipinas kunsaan ginanap ang Miss Universe pageant at tinalo niya ang higit sa 77 contestants from different countries.

 

Nag-post ng throwback photo si Sushmita sa Twitter na may caption na: “Beautiful is a feeling. Happy 28 years of India winning Miss Universe for the very first time!! Time flies…Beauty remains!!”

 

Isang fan page naman ang nag-post ng ilang photos at video nang pagpanalo ni Sushmita noong 1994 sa Pilipinas.

 

May caption ito na: “21.05.94… Dearesssstttt Titu Dede Happy 28th Anniversary!!! You make us sooooo proud!!! Our tribe sooooo proud!!! And, our country sooooo proud!!! I love you!!”

 

Hinding-hindi makakalimutan ng mga Pinoy si Sushmita dahil sa ganda’t talino nito. Sa katunayan ay maraming sinilang na sanggol noong panahon na iyon ay pinangalan ay Sushmita.

 

After Sushmita, dalawang beauty queens from India ang nagwagi rin ng Miss Universe title. Ito ay sina Lara Dutta (2000) at Harnaaz Sandhu (2021).

 

Kasalukuyang nagtatrabaho bilang film and TV actress si Sushmita sa India. May dalawa siyang adopted kids at na-diagnose siya with Addison’s disease na required siyang mag-take ng lifelong steroids drugs.

 

***

 

NAGBABALIK sa TV ang Queen of Latin Music na si Shakira.

 

May dance competition show siya titled Dance With Myself kunsaan kasama niya si Nick Jonas at Liza Koshy. Mag-premiere ito sa NBC on May 31.

 

Naging inspiration ng Dance With Myself at ang Tiktok dahil sa mataas na energy ng mga gumagawa ng videos. Sa naturang dance competition, may sariling pod sa stage ang mga contestants at bibigyan sila ng time para pag-aralan ang isang dance routine. Kapag nag-perform na sila onstage, may sarili silang version ng dance routine na dapat ma-impress ang judges.

 

Ang mapipiling best dancer of the night ay mag-uuwi ng malaking cash prize.

 

Sey ni Shakira: “I think it’s a show for everybody, not only for professionals. Most of the contestants who participated… they just enjoy dancing and want to share their passion for it. They wanna express themselves, and I think this show is gonna be an excellent platform for that.”

 

Sey naman ni Nick: “I think the thing for me that was so special about this was just watching people being given this opportunity to do what they love where the stakes are high. Sure, it’s a competition, but it’s really just about expressing yourself and having fun, which is really what dance should be.”

 

Nag-lielow sa TV si Shakira noong 2015 pagkatapos niyang isilang ang second son niyang si Sasha. Huli siyang napanood sa Season 6 ng The Voice bilang isa sa mga coach kasama sina Nick, Blake Shelton, Adam Levine at Usher.

 

Nag-world tour si Shakira via El Dorado Tour from 2017 hanggang 2019. Noong 2020 ay nag-perform siya with Jennifer Lopez sa

Super Bowl LIV halftime show.

 

Na-release kelan lang ang music video ng newest single ni Shakira na “Te Felicito” with singer Rauw Alejandro.

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Huwag i-recycle ang mga talunang kandidato noong May 2022 elections

    ITO ANG apela ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez kay Presidente Bongbong Marcos kasunod na rin sa pagtatapos ng one-year ban sa appointment ng natalong kandidato.     Ayon sa mambabatas, sa pagtatalaga ng pangulo ng mga bagong opisyal sa mga bakanteng posisyon ay hindi dapat dahil sa natapos na ang one-year appointment […]

  • UNLIKELY FRIENDSHIPS, UNEXPECTED FATES IN “A MAN CALLED OTTO”

    FROM Marc Forster, director of Oscar-nominated films (Finding Neverland, The Kite Runner) and blockbuster movies (Quantum of Solace, World War Z) comes the inspiring tale, A Man Called Otto starring Tom Hanks.     [Watch the film’s trailer at https://youtu.be/tCsSuaVsMIw]     Based on the # 1 New York Times bestseller A Man Called Ove, A Man Called Otto tells the […]

  • Disney and Pixar’s ‘Lightyear’ New Poster shows Emperor Zurg and His Robot Minions

    Emperor Zurg looms over Buzz in a new Lightyear poster.      A spinoff of the Toy Story film series, the upcoming animated movie from Disney and Pixar serves as an origin story for the human astronaut Buzz Lightyear, who goes on to inspire the action figure of the same name voiced by Tim Allen in the Toy Story movies.    […]