• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P1K pension sa seniors, sumalang na sa Senado

ISINALANG na sa plenaryo ng Senado ang panukalang batas na gawing P1,000 ang social pension ng indigent senior citizens mula sa P500.

 

 

Sa sponsor speech ni Sen. Joel Villanueva, nag-sponsor ng Senate Bill 2506, umaasa siya na mula sa P500 ay magiging P1000 ang monthly pension ng mga indigent senior citizens bilang pagkilala sa kahalagahan ng mga nakakatanda at sa kontribusyon nila sa mga komunidad.

 

 

Bukod sa increase sa social pension ng mga senior citizen, layon din ng panukala na magbigay ng opsyon bukod pa sa cash payouts para sa pension na makaabot sa mga target beneficiary at hindi sasagutin ng mga benepisyaryo ang transaction fee.

 

 

Sa konsultasyon ni Villanueva sa mga kasamahan at representante mula sa DSWD at Budget and Management, maging sa National Commission of Senior Citizens, Coalition of Services of the Elderly and Senior Citizens Sectoral Council, nagkasundo sila na ang kasalukuyang P500 monthly allowance ay hindi sapat para matugunan ang arawang pangangailangan  at gamot  ng mga mahihirap na senior citizens.

 

 

Kung ibabatay umano sa datos ng DSWD, aabot sa mahigit 3.8 milyon ang indigent Filipinos na may edad 60 at higit pa at sa P500 kada buwan, nasa P23.6 bilyon ang kasalukuyang allotment para sa social pension kada taon. (Daris Jose)

Other News
  • 3×3 BASKETBALL TOURNEY, SABAY SA 45TH PBA OPENING

    UPANG mapataas ang ranking ng Pilipinas sa 3×3 basketball, pasisimulan ng Philippine Basketball Association (PBA) ang 3×3 tournament sa pagbubukas ng 45th season ng liga sa Marso 8.   Sinabi ni PBA Board Vice Chair at Columbian Dyip Governor Demosthenes Rosales, maliban sa kasalukuyang 12 PBA teams, magkakaroon din ang Mighty Bond at Dunkin Donuts […]

  • Sobrang na-touch si Manay Lolit: KRIS, ‘di nakalimutang mag-send ng gift kahit na may matinding sakit

    SA Instagram account ni Manay Lolit Solis binanggit niya na nakaramdam daw siya ng sobrang kaba nang malaman ang naging dahilan ng pagkamatay ng kapwa niya talent manager na si Leo Dominguez.       Ayon kay Manay Lolit na may karamdaman din sa ngayon ay hindi pa rin daw siya maka-get over sa pagkamatay […]

  • DA, nagtakda ng suggested retail price na P125/kilo ng imported red onions

    NAGTAKDA ang Department of Agriculture (DA) ng suggested retail price (SRP) na P125 kada kilo sa mga inangkat na pulang sibuyas sa Metro Manila simula bukas dahil nananatiling mataas ang presyo ng mga bilihin.     Inaprubahan ng Department of Agriculture (DA) ang suggested retail price (SRP) kasunod ng endorsement mula sa mga importer, traders […]