• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Record high na pondo sa 2023 ni presumptive Pres. Marcos, papalo sa P5.268-T – DBM

PAPALO raw sa P5.268 trillion ang full-year budget ng papasok na administrasyon si Presumptive President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa 2023.

 

 

Inanunsiyo ni Department of Budget and Management (DBM) officer-in-charge Tina Rose Marie Canda ang panukalang national budget sa isang virtual press briefing.

 

 

Kasunod na rin ito ng 181st meeting ng inter-agency Development Budget Coordination Committee (DBCC) na kinabibilangan ng mga economic managers ng bansa.

 

 

Ang panukalang budget ay katumbas ng 22.1 percent na gross domestic product ng bansa ayon kay Canda.

 

 

Ang budget ceiling na aprubado ng economic managers ay mas mataas kumpara sa P5.242-trillion na inaprubahan ng mga economic team noong December 2021.

 

 

Ang DBCC ay kinabibilangan ng mga kalihim ng Socioeconomic Planning, Finance (DOF), Budget and Management (DBM) maging ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

 

 

Ayon kay Canda, ang economic team, ang desisyon ng mga economic managers na magkaroon gP5.268-trillion cap para sa 2023 national budget ay dahil na rin sa mas mataas na projected revenue collections sa susunod na taon.

 

 

Samantala, base na rin sa pagtaya ng mga economic managers ang disbursements sa susunod na taon ay posibleng papalo sa P5.086 trillion o katumbas ng 21.3 percent ng GDP.

 

 

Nanatili naman ang target ng DBCC na fiscal deficit sa 6.1 percent ng ekonomiya sa 2023.

 

 

Noong Lunes, sinabi ni Marcos na tinitignan ang national budget para s 2023 na puwedeng kuhanan ng pondo para sa economic stimulus measure dahil pa rin sa nararanasang Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic. (Daris Jose)

Other News
  • Barangay Kamuning ‘di isasailalim sa lockdown — Mayor Joy

    Wala umanong basehan para isailalim sa lockdown ang Brgy. Ka­muning matapos na isang residente dito na galing Dubai ang kaunaunahang na-infect ng UK COVID variant.   Ito ang inihayag ni Quezon City Mayor Joy Belmonte kasabay nang pagsasabing hindi na nakarating sa kanyang bahay ang pasyente matapos itong dumating sa bansa dahil agad itong dinala […]

  • Makabagong usapin sa draft K-10 curriculum base sa “facts”-DepEd

    BASE  sa “facts” ang panukalang isama sa draft ng K-10 curriculum ang  contemporary issues gaya ng West Philippine Sea at human rights.     Sinabi ni Department of Education spokesperson Undersecretary Michael Poa na layon din nito na gabayan ang mga estudyante sa mga konsepto na kanilang naririnig sa balita at kanilang kapaligiran.     […]

  • Kasama ang 11 entertainment personalities: HEART, hinirang bilang isa sa Asia’s Most Influential ng lifestyle magazine

    HINIRANG bilang isa sa Asia’s Most Influential ng Tatler Asia Magazine ang global fashion icon na si Heart Evangelista.     Na-unveil ang list sa naganap na Tatler Ball 2023 sa Shangri-La The Fort noong nakaraang November 20.     Kasama ni Heart sa list ay sina John Lloyd Cruz, Anne Curtis, Dolly De Leon, Erwan […]