• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nag-celebrate ng 10th anniversary sa Thailand… Say ni KATHRYN kay DANIEL, ‘true love exists… someone like you still do exist’

NAG-CELEBRATE ang reel and real life couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ng kanilang 10th anniversary last May 25, at sa bansang Thailand sila magkasamang nagdiwang.

 

 

Last week pa pala nagpunta ng Bangkok si Kathryn kasama si Alora Sasam na isa sa BFF at sumunod na lang Daniel noong Lunes, May 23.

 

 

At mula nga sa Bangkok, lumipad naman ang Kapamilya couple papuntang Chiang Mai na kung saan isa sa pinuntahan nila ang elephant sanctuary na aliw na aliw si Kathryn na makipaglaro at mapag-picture sa mga elepante.

 

Nag-share nga ang aktres sa kanyang Instagram post ng photos nila ng aktor, kasama ang punum-puno ng pagmamahal na anniversary message para sa kanyang love na si Daniel.

 

 

Panimula niya, “Celebrated our special day in the most unforgettable way possible and enjoyed every minute of it.”

 

 

“You know how much this trip means to me and how much I looove elephants, so without a question, you agreed to do this again with me right away. All you said to me was “kahit san mo gusto love, susunod ako after ng trabaho ko.”
Pagpapasalamat pa ni Kath, “Thank you for making time for this trip, my love! Thank you for always making sure I feel loved and appreciated. 🖤 Looking back on our 10-year journey together, I find myself smiling with so much pride. Because we did it… We did it, love! True love exists. Someone like you still do exist.

 

“I love you so much. Happy 10th anniversary to my person!”

 

Pinusuan naman ito ng kanilang celebrity friends at umapaw din ang mga pagbati sa na tuwang-tuwa sa kanilang ika-10 anibersaryo bilang magkarelasyon.

 

Say naman ng netizens, kailan naman kaya sila magpaplanong magpakasal since isang dekada na pala silang magkasama.

 

Well, abang-abang na lang, pero sa ngayon hayaan na lang muna natin ang KathNiel na i-enjoy ang isa’t-isa bilang magkasintahan.

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Parking problem

    PARKING ang isang malaking problema sa Metro Manila. Dulot na rin ito ng dami ng sasakyan at ang kawalan ng sapat na mapaparadahan. Kaya naman problema ang epekto nito sa ating mga kababayan.   Kaya para lang siguro masolusyunan kahit papano ang ‘parking problem’ – nauso ang tinatawag na “one-side parking” sa mga lansangan kung […]

  • Displaced jeepney drivers posiblengkunin contact tracers sa COVID-19

    Pinag-uusapan ng pamahalaan ang posibleng pagbibigay ng trabaho sa mga displaced na jeepney drivers bilang contact tracers para sa COVID-19.   Ang pamahalaan ay may planong gumastos ng P11.7 billion upang mag-hire ng mga contact tracers sa loob ng tatlong buwan.   Sila ang mag-identify ng mga taong nagkaroon ng close contact sa mga taong […]

  • LeBron at Jeremy Lin nagpaabot nang pakikiramay sa mga biktima ng pamamaril sa Atlanta

    Nagpaabot nang pagdarasal sa buong Asian community si NBA superstar LeBron James.     Ito ay matapos ang nangyaring pamamaril sa Atlanta na ikinasawi ng walong katao na karamihan ay mga Asyano.     Tinawag din nito ang 21-anyos na suspek na si Robert Aaron Long na isang “duwag.”     Bukod kay James nagpaabot […]