• June 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DONITA ROSE, corporate chef na sa isang sikat na Filipino supermarket chain

MASAYANG binalita ni Donita Rose na siya na ngayon ang corporate chef para sa sikat na Filipino supermarket chain sa United States na Island Pacific.

 

 

Sa kanyang Instagram, heto ang post ni Donita: “It’s official! You are now looking @islandpacificmarket’s Corporate R&D Chef. Wait ‘til you see what we’ve been working on together with @gtongi & @maricelaguilar2010 to bring Philippine Cuisine to the next level.”

 

 

Nagdesisyon na bumalik sa US si Donita last year dahil mas gusto niyang malapit siya sa kanyang pamilya ngayong may pandemic.

 

 

Wala ring permanenteng trabaho si Donita sa Pilipinas kaya binalikan niya ang kanyang pagiging chef sa US.

 

 

***

 

 

PAUSE muna ang Centerstage sa kiddie biritan simula ngayong Linggo.

 

 

Pansamantala munang hindi mapapanood sa telebisyon ang original reality kiddie singing competition ng Kapuso Network na Centerstage.

 

 

Bilang pagsunod sa taping protocols upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19, pansamantala munang ititigil ng Kapuso Network ang pag-ere ng Centerstage sa loob ng tatlong linggo.

 

 

Wala naman dapat ikalungkot ang viewers dahil sa May ay muling sasabak ang Bida Kids sa mas matinding pasiklaban hanggang grand finale.

 

 

Samantala, balikan naman ang nakakabilib na performances ng Clashers sa flashback specials ng singing competition na The Clash mula Season 1 hanggang Season 3 na pansamantala munang mapapanood sa timeslot ng Centerstage. 

 

 

***

 

 

NAG-AGREE sa joint custody sina Kim Kardashian at Kanye West sa apat nilang anak na sina North, Chicago, Saint and Psalm.

 

 

Sa kanilang divorce files, nakasaad pareho ang “irreconcilable differences” na cause ng paghiwalay nila.  Nag-agree din sila na hindi nila kailangan ng spousal support.

 

 

According to Kardashian’s filing, they kept their property separate throughout their marriage because of the terms of a pre-nuptial agreement.

 

 

Isa ring dahilan kung bakit hiniwalayan ni Kim si Kanye ay dahil sa erratic behavior nito dala ng bipolar disorder.

 

 

“Kanye is a brilliant but complicated person, sey ni Kim sa isang interview. (RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Buo ang saya ng Pasko ng mga Ka-Tropie: Kauna-unahang PIE Channel Christmas SID, mapapanood na

    DAHIL damang-dama na ang simoy ng Pasko, lalong papasayahin ng PIE Channel ang bawat Ka-TroPie. Ngayong Christmas season, bubuuin ng PIE ang saya ng bawat barkada, magkaka-opisina, at pamilya bilang pasasalamat nito sa kanilang mga manonood. Sinimulan ang #PIEmaskongSaya sa pag-launch ng kauna-unahang PIE Channel Christmas Station ID. Ang musika na ginamit ay komposisyon ni […]

  • Pope Francis binigyang pugay ang mga mamamahayag na nasawi at nakulong

    BINIGYANG pugay ni Pope Francis ang mga mamamahayag na nasawi o nakulong habang ginagampanan ang kanilang mga trabaho at ipinagtatanggol ang malayang pamamahayag.     Sa kanyang lingguhang mensahe sa St. Peter’s Square sa Vatican, sinabi nito na nararapat na papurihan ang mga mamamahayag na matapang na iniuulat ang mga nangyayaring panghihimasok sa mga sankatauhan. […]

  • Ads September 14, 2022