• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

3 KATAO HULI SA DROGA SA MAYNILA

SWAK sa kulungan ang tatlong indibidwal nang mahulihan ng marijuana at shabu sa ikinasang buy bust operation ng mga operatiba ng Manila Police District-Police Station 7  Biyernes ng madaling araw.

 

 

Sa imbestigasyon ng pulisya, kinilala ang mga suspek na sina Rufino Casilit apyas Basi ,47; Loisa Casipit ,19, kapwa nakatira sa Prudencia St., Tondo, Maynila at Lowela Mae Gutierrez,19, ng 2nd Street, Manila North Cemetery Sta. Cruz, Maynila.

 

 

Ikinasa ang operasyon sa kahabaan ng Juan Luna Street malapit sa kanto ng Corcuerra Street, Tondo, Maynila ng mga tauhan ng MPD-PS7 sa pangunguna ni PLt Joan Dorado.

 

 

Nakuha sa mga suspek ang anim na  maliit na heat sealed transparent plastic na naglalaman ng shabu na may timbang na 8 gramo at nagkakahalaga ng P54,400.

 

 

Gayundin ang 16 na medium ziplock ng marijuana na aabot Naman sa halagang P6,600.

 

 

Pansamantalang nakadetine ngayon sa PS7 Custodial facility ang mga suspek para sa booking at documentation.

 

 

Pagalbag sa RA 9165 o may kaugnayan sa illegal na droga ang isasampa laban sa mga naarestong suspek. (GENE ADSUARA)

Other News
  • Ads September 6, 2021

  • PUBLIKO, BINALAAN NG DIOCESE OF NOVALICHES LABAN SA SCAMMER

    NAGBABALA ang Diyosesis ng Novaliches sa mga mamamayan  kaugnay sa scammer na nagpapakilalang seminarista upang makakuha ng mga donasyon.     Sa inilabas na pahayag ng diyosesis umiikot sa komunidad ng Commonwealth sa Quezon City partikular sa Kristong Hari Parish at Parokya ng Mabuting Pastol ang nagpakilalang John Michael Castillo upang humingi ng tulong pinansyal […]

  • Kaya proud na proud na pinost ni Coleen: BILLY, ‘di makapaniwalang nanalo sila sa ‘Dancing with the Stars’ sa France

    ANY day now ay babalik na si Kapuso actress Bea Alonzo mula sa kanyang bakasyon sa Madrid, Spain, kung saan nakabili na siya ng house doon, at magiging bakasyunan niya at ng kanyang family kung libre siya from work.     May clamor kasi ang mga fans ng “Start-Up PH” nina Alden Richards at Bea  […]