• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Marcos, nais na ang Agri sector ay maging competitive bago ratipikahan ang RCEP

NAGPAHAYAG ng kanyang “reservations” si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. pagdating sa ratipikasyon ng mega trade deal Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP), kung saan ang Pilipinas ang signatory.

 

 

Sa press briefing, sinabi ni Marcos na nais niyang makita kung paano at ano ang magiging epekto ng RCEP sa agriculture sector ng bansa.

 

 

“I do not know if our agriculture sector is sufficiently robust to take on the competition that the opening of the markets will cause, by the RCEP,” ayon kay Marcos.

 

 

“So, let’s have a look at it again and make sure na hindi naman malulugi ang ating agri sector ‘pagka ni-ratify na natin ‘yan dapat handa na ‘yung sistema natin na makipag-compete,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Ang RCEP, isang trade accord sa pagitan ng 10-member ASEAN kasama ang China, India, Japan, South Korea, Australia, at New Zealand, ay inaprubahan ng Malakanyang noong Setyembre ng nakaraang taon at dinala sa Senado para sa pagsang-ayon.

 

 

Ang mga international agreements na pinasok ng gobyerno ay nangangailangan ng pagsang-ayon sa Senado.

 

 

Nauna nang sinabi ng Department of Trade and Industry (DTI) na gagawin nito ang lahat upang makuha ang pagsang-ayon ng Senado pagdating sa RCEP kapag nagpatuloy na muli ang sesyon sa Kongreso.

 

 

“The Philippines’ farm sector should be in a competitive position before the country enters into another trade agreement,” ayon kay Marcos.

 

 

“Dahil kung hindi makapag-compete masasapawan sila. Mawawala ‘yung mga local and panay na lang ang import natin. We don’t want that,” aniya pa rin.

 

 

“Beef up the agriculture sector, we want to have sufficient food supply for the Philippines in case of any crisis. We should really learn our lesson from the pandemic. ‘Wag natin pababayaan ‘yan dahil ‘pag may dumating na crisis na ganyan ay ramdam na ramdam ng tao na kulang ang pagkain,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Muli namang inulit ni Marcos ang pahayag nito na kailangan ng pamahalaan na makita kung ano ang magiging epekto ng RCEP sa ekonomiya bago pa ito maratipikahan.

 

 

“Pag-aralan natin mabuti [We should study it carefully] that if we ratify it now what will be the effect on the farming community, our farmers especially they need protection and how will it impact what our plans are to create a value chain of agriculture,” anito.

 

 

“Pag-aralan natin mabuti ‘pag kaya ng ating magsasaka at suportahan natin ng gobyerno, kaya na sila mag -compete, iratify natin ‘yan,” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)

Other News
  • Kaya pang maghintay hanggang 2026: SHAIRA at EDGAR ALLAN, ‘no sex’ hangga’t hindi pa ikinakasal

    KUMPIRMADONG sa taong 2026 ikakasal sina Shaira Diaz at Edgar Allan Guzman.   Nilinaw ito mismo ni Shaira nang maging guest siya sa ‘Fast Talk With Boy Abunda’ kamakailan.   “2026, opo,” ang sagot ni Shaira sa tanong ni Kuya Boy kung totoong 2026 sila ikakasal.   Nananatili pa ring mahigpit ang paniniwala nina Shaira […]

  • Opensa Depensa Ni CDC

    MAGBABALIK-TANAW  sa isa sa naging sikat na karibalan sa Philippine basketball ang San Miguel Corporation-Philippine Sportswriters Association (SMC-PSA) Annual Awards Night.     Pararangalan ang mga alamat ng sport na sina Robert Jaworski Sr. at Ramon Fernandez ng Lifetime Achievement Award sa Marso 14 gala night sa Diamond Hotel sa Ermita, Manila dahil sa kanilang […]

  • Kung siya ang masusunod, patitigilan nang magbarko:: KOKOY, makabagbag-damdamin ang kuwento sa ama na seafarer

    MAKABAGBAG-DAMDAMIN ang kuwento ni Kokoy de Santos tungkol sa ama niya na isang Pinoy seafarer na na-hostage noon sa Somalia habang nasa barko.     Ang masaklap pa nito, may sakit sa puso ang ina ni Kokoy.     Sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Biyernes ay ibinahagi ito ng Sparkle male artist.   […]