• January 23, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kasama pa ang kanyang ina na si Esther Lahbati: SARAH, kabilang na rin sa mga Pinoy na may billboard sa New York

MAGPI-FINALE pa lang next week ang Mano Po Legacy: Her Big Boss, pero heto’t nag-launch na si Ken ng bago niyang single under GMA Music, ang “QuaranFling.”

 

 

 

Obviously, inspired sa quarantine ngayong may COVID-19. At habang naka-quarantine nga, marami raw naging realization at the same time, achievement si Ken.

 

 

“Kahit na naka-quarantine, na-realize ko na marami rin magandang nangyayari. At isa na rito, ‘yung nakatagpo tayo ng love.”

 

 

 

Inamin din ni Ken na during quarantine, masasabi niya raw na si Rita Daniela talaga ang naka-quaranfling niya, even prior to pandemic.

 

 

 

Though, alam nila pareho how they care for each other, pero family na raw kasi sila kaya hindi rin ito nauwi sa commitment talaga.

 

 

 

Tahasan din na itinanggi ni Ken na si Rita ang pinatatamaan niya sa naging tweet niya tungkol sa isang tao na malapit sa kanya pero, trinaydor siya o nag-backstabbed sa kanya.

 

 

 

Aniya, nangyayari naman daw yun sa lahat, pero hindi raw si Rita ang tweet niya, huh!

 

 

 

***

 

 

 

KABILANG na rin si Sarah Lahbati at maging ang kanyang ina na si Esther Lahbati sa mga Pinoy celebrities na may billboard sa New York.

 

 

 

Big deal talaga sa mga local artists kapag napi-feature sila o ang pino-promote nila sa NY billboard.

 

 

 

Mukhang cover sila ng isang magazine promoting a clothing brand ang naging dahilan kaya sila nai-feature sa New York billboard. Shinare ito ni Sarah sa kanyang Instagram account. Obvious ang excitement ni Sarah sa caption pa lang na, “hey, mama! We’re in N.Y! I’m so proud of you!”

 

 

 

Ilan sa nga local celebs na may billboard sa New York ay sina Heart Evangelista, Julie Anne San Jose, Kiannah Valencia, Ylona Garcia at Kathryn Bernardo.

 

 

 

***

 

 

 

NASA second season na ang game show na Rolling In It Philippines ng TV5 na kunsaan si Yassi Pressman ang host.

 

 

 

Inamin ni Yassi na at first, may apprehension daw siyang tanggapin ito dahil hindi siya sure kung kaya ba niyang mag-host ng game show. But since ‘eto nga at season 2 na sila, nakita rin namin na sobrang gamay na siya at all-out ang energy.

 

Reunion din nila ni Nadine Lustre sa Saturday kunsaan si Nadine ang special guest niya sa start ng 2nd season nito sa bagong time-slot at 7:30pm.

 

 

 

When asked about Nadine, “Very fun naman kasi kami ni Nadz, ilang taon na ba kaming magkaibigan? 10 years or a little bit more. Kahit ilang taon kaming hindi magkita, it’s still the same and it’s the nice thing about our low maintenance friendship.”

 

 

 

At kung gusto raw ni Nadine na gumawa muli ng movie, game raw siya na makasama itong muli.

 

 

 

Sa ngayon, after niyang mawala sa FPJ’s Ang Probinsyano, mukhang wala pang plano si Yassi na mag-focus sa teleserye. Mas gusto muna raw niyang gumawa pa ng mga movies at obviously, na-inspire ito na halos tatlong linggong trending at most watched sa Netflix ang Vivamax movie niya na More Than Blue.

 

 

 

(ROSE GARCIA)

Other News
  • DND sa mga Pinoy: Tularan ang katapangan ni Bonifacio sa gitna ng mga hamon sa seguridad

    NANAWAGAN si Department of National Defense (DND) Secretary Gilberto Teodoro Jr. sa sambayanang Filipino na kumuha ng lakas mula sa katapangan ni Gat Andres Bonifacio habang ang bansa ay patuloy na nahaharap sa iba’t ibang mga hamon sa seguridad.     “His story of rising from humble beginnings to leading the fight against a formidable […]

  • Kalahating milyong COVID-19 vaccines ng Sinovac dumating sa NAIA

    Lumapag na sa Pilipinas ang panibagong batch ng bakuna laban sa coronavirus disease (COVID-19) galing sa bansang Tsina.     Ang 500,000 doses ng CoronaVac, na gawa ng Chinese company na Sinovac, ay sinasabing dumating kahapon,Huwebes, 7:37 a.m. sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).     Isa si Health Secretary Francisco Duque III sa mga […]

  • PSC Chairman Dickie Bachmann pangako ang suporta para sa Pinoy atleta ng swimming

    BINISITA kahapon ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman Richard “Dickie” Bachmann si Olympian Kayla Sanchez at ang national water polo team na pukpukan sa kanilang training sa loob ng PhilSports Complex.   Tiniyak ni Bachmann sa mga atleta, partikular sa national swimmers, ang all-out support ng PSC para sa mga ito na naghahanda sa 32nd […]