Warriors pasok na sa NBA Finals matapos idispatsa ang Mavericks sa serye, 4-1
- Published on May 30, 2022
- by @peoplesbalita
BALIK na muli sa NBA Finals ang Golden State Warriors matapos na talunin kanina sa Game 5 ng Western Conference finals ang Dallas Mavericks sa score na 120-110.
Tinapos ng Warriors ang best-of-seven series sa 4-1 record.
Makakaharap ng Warriors sa Finals ang magwawagi naman sa pagitan ng Boston Celtics at Miami Heat.
Ang Finals ay magsisimula sa June 3.
Samantala sa laro kanina hindi nagpaawat si Klay Thompson nang magbuhos siya ng 32 points.
Malaking tulong din ang ginawa para sa Warriors nina Andrew Wiggins na may 18 points at 10 rebounds, Draymond Green na nagdagdag ng 17 points at si Stephen Curry na nagpakita ng 15 points at nine assists.
Sa kampo ng Mavs nasayang ang diskarte ng kanilang superstar na si Luka Doncic na nagtapos sa 28 puntos.
Dahil sa pamamayani sa serye tinanghal na kampeon sa Western Conference ang tinaguriang Dubs, habang ang veteran at two-time NBA MVP na si Curry ay muling tutuntong para sa kanyang ika-apat na NBA championship.
Napili rin Curry bilang conference MVP para maibulsa ang unang Magic Johnson trophy.
Si Klay naman ay inabot ng dalawang seasons na hindi nakalaro dahil sa tinamong matinding injury.
Kung maalala huling nagkampeon sa NBA ang Warriors noong taong 2018.
-
KAPUSO STAR YSABEL ORTEGA, ANG REYNA NG SANTACRUZAN 2024 SA BINANGONAN
Ang Santacruzan ay isang nakagawiang Filipino tradition, na muling bibida sa mga kalsada ng Libid Binangonan sa Mayo 5, 2024 sa pamumuno ng Sangguniang Barangay at Sangguniang kabataan ng Libid.Lalahukan ito ng nasa 24 barangays. Ang isa sa mga highlights ay ang pagdalo ng talent ng GMA 7, ang young superstar na si Ysabel Ortega […]
-
Ads September 13, 2021
-
Pagbabalik ng limited face-to-face, hindi sapilitan- CHeD
HINDI magiging sapilitan at magiging boluntaryo lamang ang mga gustong pumasok na mga mag-aaral sa pagbabalik ng limited face-to-face classes para sa medical and allied courses. Nilinaw ni Commission on Higher Education Chairman Prospero De Vera na walang sapilitan sa bagay na ito. Kahit aniya inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang resumption […]