• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Last full cabinet meeting, isasagawa ni Pangulong Duterte – Palasyo

ISASAGAWA na ngayon ang huling full cabinet meeting ni Pangulong Rodrigo Duterte bago ito bumaba sa puwesto.

 

 

Pero hindi naman kinumpirma ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Chief at Acting Spokesperson Martin Andanar kung anong oras ang cabinet meeting.

 

 

Kung maalala, madalas isinasagawa ni Pangulong Duterte ang pagpupulong sa gabi.

 

 

Una rito, bago ang nakatakdang full cabinet meeting ay magsasagawa muna bukas ang kasalukuyang administrasyon ng Duterte Legacy Summit sa Philippine International Convention Center (PICC).

 

 

Sinabi ni Andanar na sa naturang aktibidad, lahat daw ng sangay ng gobyerno ay magbibigay final report sa publiko kung ano ang mga nagawa ng administrasyong Duterte.

 

 

Sa Hunyo 30 ay matatapos na ang termino ni Pangulong Duterte at papasok na ang administrasyon ni President elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Other News
  • Dream house nila ni Dingdong, pinakita na for the first time.. MARIAN, naiiyak pa rin ‘pag napag-uusapan ang pagkakaroon ng isang buong pamilya

    SA unang pagkakataon sa telebisyon, ipinakita na ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera ang kanilang bagong gawang bahay sa Makati sa ‘Kapuso Mo Jessica Soho’. Kahit nagpasilip, masasabing na-maintain pa rin ang privacy ng bahay dahil halos ‘yung naipo-post lang din nila sa social media nila ang ipinakita. Pero tiyak na maaaliw ang mga […]

  • EJ Obiena patuloy sa pamamayagpag sa Europa, wagi na naman

    PATULOY  sa kanyang pamamayagpag si EJ Obiena sa Europo at sa pagkakataong ito ay panalo na naman siya sa torneyo sa 2022 Golden Fly Series Liechtenstein.     Ito ay makaraang mamayani ang dating Pinoy Olympian sa men’s pole vault nang malampasan niya ang 5.71 meters upang talunin ang lima pang mga kalaban.     […]

  • LeBron wish ang injury free season para umabot ang Lakers sa playoffs

    PANANATILIHIN at uunahin daw ni Lakers superstar LeBron James ang kanyang pangangatawan na injury free habang siya ay naghahanda para sa darating na 20th season ng National Basketball Association (NBA).     Ang 37-anyos na player ay muling mangunguna sa bagong kampanya ng Lakers na makarating sa play-offs matapos na mabigo noong nakaraang taon ang […]