• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Face-to-face classes, aarangkada na sa Hunyo

INAASAHAN ng Depart­ment of Education (DepEd) na pagsapit ng Hunyo 2022, ang lahat ng paaralan sa bansa ay nagdaraos na ng face-to-face classes, sa kabila ng nananatiling banta ng COVID-19 pandemic.

 

 

Sa Laging Handa public briefing nitong Lunes, sinabi ni DepEd Secretary Leonor Briones na ang mga regional offices ay bubuo ng iba’t ibang pamamaraan, base sa assessment ng Department of Health (DOH) at mga local governments sa kanilang lugar.

 

 

“By June, which is already a few days away from now, sa next academic school year, ini-expect natin na fully 100% na talaga ‘yung pag-implement natin ng face-to-face classes,” ayon kay Briones.

 

 

Hanggang nitong Mayo 26, mahigit 34,000 o 73% na ng mga public schools ay handa sa face-to-face classes.

 

 

Pinayuhan na rin aniya ng DepEd ang mga private schools na mag-face-to-face classes na rin.

 

 

Samantala, sinabi naman ni DepEd Undersecretary Diosdado San Antonio na hinihikayat na ng DepEd sa ngayon ang lahat ng paaralan na mag-face-to-face classes na, na may limitadong bilang ng mga araw ng in-person meetings.

 

 

Ayon kay San Antonio, tinitingnan nila ang posibilidad ng pagkakaroon ng blended learning, na may ilang araw na face-to-face classes at may araw na papayagang sa bahay pa rin mag-aral at matuto ang mga bata.

 

 

Isusulong aniya ng DepEd ang naturang setup kung pahihintulutan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Di­seases ang ilang araw sa isang linggo para sa face-to-face classes.

 

 

Tiniyak naman ni DepEd Undersecretary Revsee Escobedo na ikukonsidera pa rin nila ang pag-sang-ayon ng mga local government units (LGUs) at mga magulang sa pagdaraos ng in-person classes upang matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante.

 

 

May ilang paaralan naman aniya ang humihiling na pahintulutan na rin ang mas marami pang grade levels at mga estudyante na lumahok sa face-to-face classes. (Daris Jose)

Other News
  • Tsina, hindi magdadala ng giyera, kolonisasyon sa Pinas- envoy

    TINIYAK ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian na hindi magdadala ng giyera at kolonisasyon ang  Tsina sa Pilipinas.     Sa halip, ang bibitbitin aniya ng Tsina ay kooperasyon  at pagkakaibigan lalo pa’t ang daan na tinatahak ng Tsina ay modernisasyon.     Sa kabilang dako, sa gitna ng hindi pa rin nalulutas […]

  • Ads June 25, 2022

  • Kobe Paras kinunsinte ng UP

    Wala umanong balak ang University of the Philippines (UP) na parusahan o pagsabihan  ang kanilang star player na si  Kobe Paras matapos masangkot sa 5-on-5 pickup game na tahasang pagsuway sa pinatutupad na general community quarantine (GCQ) protocols ng gobyerno kaugnay sa COVID-19 pandemic.   Ayon kay Perasol hindi niya inaasahan na pag-uusapan ang isyu sa online sessions ng Fighting Maroons […]