• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sara Duterte spokesperson, Mayor Frasco next Tourism secretary, Erwin Tulfo magiging DSWD chief ni Marcos

LIMA  pang mga incoming cabinet members o top officials ni President-elect Ferdinand Marcos jr. ang inanunsiyo ngayon ng kanyang spokesperson na si Atty. Trixie Angeles.

 

 

Tatayong kalihim ng Presidential Management Staff na siyang nagsisilbing “in-house think tank” ay si dating Manila Rep. Naida Angping.

 

 

Habang ang susunod na magiging Tourism secretary ay si Liloan Cebu Mayor Christina Frasco na siya namang tumatayong spokesperson ni Vice President-elect Sara Duterte-Carpio.

 

 

Una nang inamin ni Mayor Frasco na hindi niya maiiwan ang kanyang mga constituents lalo na at nasa ikatlo at huling termino na niya ang pagiging alkalde matapos na manalo sa katatapos lamang na halalan.

 

 

Ang mister ni Frasco na si Duke, ay reelected din bilang representative ng 5th district ng Cebu.

 

 

Samantala magiging Department of Information and Communications Technology (DICT) secretary naman ng Marcos administration si Atty. Ivan John Enrile Uy.

 

 

Ang broadcaster na si Erwin Tulfo ay na-appoint din bilang incoming DSWD secretary.

 

 

Kung maalala una nang nagkairingan sina Tulfo at kasalukuyang DSWD secretary at ret. Gen. Rolando Bautista dahil sa hindi umano ito nagpapa-interview.

 

 

Kaugnay nito, hinirang din ni Marcos si Amenah Pangandaman bilang kanyang magiging Budget secretary.

 

 

Si Pangandaman ay ang kasalukuyang Bangko Sentral ng Pilipinas assistant governor, at dati na rin siyang nagsilbing undersecretary at assistant secretary ng DBM.

Other News
  • 90 day extension ng SIM card registration, inaprubahan ni PBBM

    INAPRUBAHAN ni Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. ang  90-day extension ng SIM card registration.     Nakatakdang magtapos kasi sa Abril 26, 2023 o ito kasi ang  deadline ng pagpaparehistro ng SIM card ng mga subscriber.     Sa Facebook page ng Radio Television Malacañang (RTVM), nakasaad dito na “Failure to register within the given period […]

  • Gobyerno naniniwalang walang dayaang nangyari sa isinagawang nagdaang halalan

    KUMBINSIDO si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na walang dayaang nangyari sa nagdaang eleksiyon nitong nakalipas na May 9 national election.     Sa Talk to the People, sinabi ni Pangulong Duterte na naniniwala siyang naging malinis ang isinagawang halalan bagama’t may mga lumabas hinggil sa umanoy glitches bunsod ng pagma- mulfuntion ng vote-counting machines o […]

  • 2 mutation ng Indian variant mas mabagsik – DOH

    May dalawang mutation ang COVID-19 Indian variant na mas mapanganib sa tao dahil sa kapabilidad na mas mabilis na makahawa at mas magdulot ng lubha sa pasyente, ayon sa Department of Health (DOH).     Sa presentasyon ng DOH sa media forum, nabatid na may 16 mutation na ang Indian variant o ang B.1.617 variant ngunit ang […]