• April 10, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Marcial target isabak sa Agosto

SA AGOSTO ang posibleng ikatlong professional fight ni Tokyo Olympics bronze medalist Eumir Felix Marcial.

 

 

Ito ang inihayag ng Pinoy pug ilang araw matapos masungkit ang kanyang ikaapat na sunod na gintong medalya sa Southeast Asian Games na ginanap kamakailan sa Hanoi, Vietnam.

 

 

Ayon kay Marcial, wala pang eksaktong petsa ng laban at kung sino ang makakaharap nito.

 

 

Sa Agosto ang posibleng ikatlong professional fight ni Tokyo Olympics bronze medalist Eumir Felix Marcial.

 

 

“Wala pa namang final pero sana sa August makalaban na ulit,” ani Marcial.

 

 

Pansamantalang mananatili si Marcial sa Pilipinas.

 

 

Habang nasa bansa, walang tigil sa training si Marcial upang handa ito sakaling maikasa agad ang kanyang susunod na laban.

 

 

“Nag-start na ulit ako sa training habang nan­dito ako sa Pilipinas. Kaila­ngang ma-maintain yung kundisyon ng katawan. Mahirap kasi kapag nabakante,” ani Marcial.

 

 

Sa kasalukuyan, may 2-0 rekord na ito sa professional boxing.

 

 

Unang sumalang si Marcial noong 2020 nang maitala ang unanimous decision win kay Andrew Whitfield.

 

 

Muling sumabak si Marcial noong Abril nang kubrahin nito ang  knockout win kay Isaiah Hart para sa kanyang ikalawang panalo.

Other News
  • Pinas, target na makapagrehistro, makapagbigay ng serbisyo sa mga ‘stateless Pinoy’ sa Sabah

    TARGET ng Philippine Embassy sa Kuala Lumpur  na makapagrehistro ng 550,000 “stateless” Filipino sa Sabah, at sa kalaunan ay makapagbigay sa mga ito ng serbisyo na available para sa mga mamamayang Filipino.     Tinatayang may 770,000 Filipino sa Sabah, 550,000 mulasa bilang ng mga ito ay undocumented, ayon kay Filipino citizens, the Department of […]

  • Higit 500 market vendors, nabigyan ng libreng COVID-19 swab test sa Quezon City

    Nakinabang sa ­libreng COVID-19 swab test ang may 549 vendors mula sa apat  na  private at public markets sa  Quezon City sa pakikipagtulungan ng  Project Ark.   Sa naturang pagsusuri, 1 percent o walong katao ang nagpositibo sa virus mula sa mga vendors sa Frisco, Tandang Sora, Philand Dr., at Balintawak Market. Ang mga ito […]

  • Thankful na nakasama sa top-rating afternoon series: ALLEN, bumili ng pick-up truck para may remembrance

    THANKFUL ang mahusay na actor na si Allen Dizon na naging part siya ng cast ng top-rating GMA Afternoon drama series na “Abot-Kamay na Pangarap”, na kung saan gumaganap siya bilang katambal si Carmina Villarroel.       Nakabili siya ng Toyota Hilux pick-up truck, mula sa talent fee niya, para raw may remembrance sa […]