Higit 500 market vendors, nabigyan ng libreng COVID-19 swab test sa Quezon City
- Published on December 5, 2020
- by @peoplesbalita
Nakinabang sa libreng COVID-19 swab test ang may 549 vendors mula sa apat na private at public markets sa Quezon City sa pakikipagtulungan ng Project Ark.
Sa naturang pagsusuri, 1 percent o walong katao ang nagpositibo sa virus mula sa mga vendors sa Frisco, Tandang Sora, Philand Dr., at Balintawak Market. Ang mga ito ay agad na nailipat sa community care facilities.
Pinasalamatan naman ni QC Mayor Joy Belmonte ang Project Ark, isang private sector initiative, sa pakikipagtulungan sa LGU na maibsan ang pandemic sa lungsod.
“We appreciate the continuous support of Project Ark in our battle against COVID-19. This initiative complements our testing efforts as we slowly gear towards revitalizing our economy,” dagdag ni Belmonte.
Ayon kay City Health Department (CHD) Chief Dr. Esperanza Arias ang pooled testing ay akma sa malalaking grupo . Anya ang samples mula sa pooled tested individuals ay agad dinadala sa laboratories ng Lung Center of the Philippines (LCP) at sa Philippine Children’s Medical Center (PCMC).
Ayon kay Belmonte na sa ilalim ng partnership sa Project Ark na may halagang P4.5 million, maaari itong sumuri ng mahigit 4,000 katao. (ARA ROMERO)
-
GINANG HULI SA PABAHAY SCAM
INARESTO sa isang entrapment operation ang isang 52-anyos na ginang matapos nangikil ng pera sa kanyang biktima kapalit ng isang unit ng bahay sa National Housing Authority (NHA) sa Naic, Cavite Lunes ng hapon sa Naic, Cavite. Kasong Estafa thru fraud ang kinakaharap ng suspek na si Jesusa Austral y Queyquet, may-asawa ng […]
-
Ads August 22, 2022
-
Kouame, ihahabol ng SBP na mapasama sa FIBA qualifiers
Nagbubunyi ngayon ang mundo ng basketball sa Pilipinas matapos na pormal nang magawaran ng Filipino citizenship ang big man ng Ateneo de Manila University na si Angelo Kouame. Ang 23-anyos na si Kouame ay ipinanganak sa Ivory Coast at may height na 6-foot-10. Una nang pinirmahan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang […]