DATING OPISYAL NG BIR SINAMPAHAN NG KASO NG NBI
- Published on June 1, 2022
- by @peoplesbalita
NAGHAIN ng apat na kaso ang National Bureau of Investigation (NBI) laban sa opisyal ng Bureau of Internal Revenue (BIR) .
Binanggit ni NBI Regional Director Moises Tamayo ang respondent sa kaso bilang Revenue Officer IV na si Flora Albao ng BIR’s Revnue District Office-93A (RDO-93A).
Sinabi ni Tamayo na ang mga kasong inihain laban kay Albao ay paglabag sa 294 of the Revised Penal Code; Tax Reform Act of 1997; Anti-Graft and Corrupt Practices Act; Code of Conduct and Ethical Standards for Public Offices and Employees.
Si Albao ay nasa pansamantalang nasa kustodiya ng NBI matapos siyang maaresto sa entrapment noong Biyernes sa tanggapan ng RDO-15 sa Barangay Zone 4.
“The entrapment operation was launched after a businesswoman filed a complaint of harassment (against the suspect),”sabi ni Tamayo sa isang interview.
Sinabi ni Tamayo na nakatanggap ang negosyanteng babae ng notice na nagsasaad na mayroon siyang P30.7 milyon na tax liabilities at binigyan ng limang araw para mag-ulat sa RDO-93A.
Nagtungo sa opisina ng BIR ang megosyante at inutusang magsumite ng mga kaukulang dokumento para mabawasan ang kanyang buwis.
Inalok din umano ni Albao ang negosyante na mababawasan ang kanyang tax liabilities kapag nagbayad ito ng P1 milyong “SOP” o standard operating procedure.
Sa takot ng negosyante nagbigay ito ng pera ngunit P500,000 lamang ang kaya niyang maibigay Kaye Albao.
“She (businesswoman) was given a grace period to pay the remaining amount of PHP500,000 but the complainant, upon sensing she is being extorted, decided to report to our office,” sabi ni Tamayo.
Aniya ang suspek ay nahuli sa “flagrante delicto” sa panahon ng operasyon. (GENE ADSUARA)
-
Kelot arestado sa P102K shabu sa Valenzuela
KULONG ang isang hinihinalang tulak ng illegal na droga matapos makuhanan ng mahigit P.1 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela city, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni PLT Joel Madregalejo, hepe ng Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang naarestong suspek na si Allan Warde, 39 ng […]
-
Rematch hamon ni Holyfield, kay Tyson
HINAMON na ni dating heavyweight boxing champion Evander Holyfield si Mike Tyson. Sa inilabas nitong video, direktahang hinamon nito si Tyson. Nakatakda kasing makalaban ni Tyson si Roy Jones Jr sa November 28 kaya sinabi nito na nais niya na siya ang sumunod na makalaban nito. Lumabas din sa kampo ni Holyfield […]
-
Eumir Marcial todo paghahanda sa Olympics
Sumasabak sa matinding paghahanda at sakripisyo ngayon ni 2021 Tokyo Olympic-bound Eumir Felix Marcial sa tulong ni legendary Hall of Fame coach Freddie Roach sa Wild Card Gym sa Los Angeles, California sa U.S. upang masungkit ang mailap na gold medal ng Pilipinas sa Olimpiyada at matupad ang kanyang pangarap na maging sikat ng pro-boxer. […]