• March 28, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Rematch hamon ni Holyfield, kay Tyson

HINAMON na ni dating heavyweight boxing champion Evander Holyfield si Mike Tyson.

 

Sa inilabas nitong video, direktahang hinamon nito si Tyson.

 

Nakatakda kasing makalaban ni Tyson si Roy Jones Jr sa November 28 kaya sinabi nito na nais niya na siya ang sumunod na makalaban nito.

 

Lumabas din sa kampo ni Holyfield na iniiwasan siya ni Tyson na makaharap mula.

 

Nagharap ang dalawa noong 1996 sa MGM Grand sa Las Vegas kung saan nagwagi si Holyfield sa 11th round TKO.

 

Nagrematch ang dalawa noong 1997 kung saan naging kontrobersiyal ang laban dahil sa pagkagat ni Tyson sa tenga ni Holyfield sa ikatlong round.

Other News
  • GINANG HULI SA PABAHAY SCAM

    INARESTO sa isang entrapment operation ang isang 52-anyos na ginang matapos nangikil ng pera sa kanyang biktima kapalit ng isang unit ng bahay sa National Housing Authority (NHA) sa Naic, Cavite Lunes ng hapon sa Naic, Cavite.     Kasong Estafa thru fraud ang kinakaharap ng suspek na si Jesusa Austral y Queyquet, may-asawa ng […]

  • Diaz seselyuhan ang ika-4 niyang Summer Olympics

    LUMAPAG na sa Tashkent, Uzbekistan si 2016 Rio de Janeiro Olympics women’s weightlifting 53-kilogram silver medalist Hidilyn Diaz upang pormalisahin na lang pang-apat na pagsabak sa 32nd Summer Games sa pagbahagi sa 49th Asian Men’s and 30th Women’s Weightlifting Championships 2021 sa Abril 16-25.     Abr. 10 nagbuhat sa Malaysia na naging kampo niya […]

  • Ads November 13, 2021