• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ivana, mabilis ding umaksiyon para makatulong sa mga nasalanta ng bagyo

ANG mga YouTuber o vlogger na katulad ng sexy actress na si Ivana Alawi ang isa sa mga artista na mabilis umaksiyon para makatulong sa mga nasalanta ng bagyo.

 

Personal na nagpunta si Ivana sa Isabela at Cagayan para mamahagi ng kanyang tulong sa Cagayan.

 

Ang naging video niya sa kanyang You Tube vlog na merong 9.92 million subscribers na “Happy Birthday Mama Alawi” ay idinonate niya at siyang ginamit. Hindi pa man niya kinikita o nakukuha ang income mula sa naturang video, pero inadvance na ni Ivana.

 

Sakay si Ivana ng chopper nang magpunta sila ng Isabela at Cagayan.

 

Tuwang-tuwa ang mga taga- Norte sa sexy actress. Karamihan sa mga comments ay, “Ang bait-bait ni Ivana.”

 

Na-appreciate rin nila ang simpleng black shirt at black pants na suot niya na sabi sa comment na nabasa namin, “Ang ganda-ganda ni Ivana sa simpleng suot niya.”

 

Pinuri rin si Ivana ng mga tao roon na nagtanggal daw saglit ng mask kahit alam nilang takot ito sa COVID-19 para lang pagbigyan ang kahilingan ng mga ito na mapakita niya ang kanyang mukha at smile.

 

Hindi ito ang unang pagkakataon na dinonate ni Ivana ang earning ng isa sa kanyang video. Nang mamatay ang vlogger na si Lloyd Cadena, nag-post din ito ng content na lahat ng nakuha niyang income sa ads ng video na yun ay ibabahagi niya sa pamilyang naiwan ng vlogger.

 

*****

 

MAHIGIT 200,000 pesos din ang nalikom ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards sa pagla-livestream niya ng kanyang online game.

 

Lahat ng mga natanggap niya na may stars sa larong Mobile Legends ay may katumabas na halaga at yun nga ang ido-donate niya sa mga nasalanta ng sunod- sunod na bagyo.

 

Kahit sa paglalaro niya at sa gitna ng kabisihan ni Alden ngayon, nagagawa at nakukuha pa rin niyang mag-isip ng paraan para makatulong palagi sa mga nangangailangan.

 

Sabi nga ni Alden sa kanyang Twitter post, “Maraming salamat sa lahat ng nag-donate. Patuloy po tayong tumulong sa abot ng ating makakaya sa nasalanta ng bagyo. God bless and keep safe.”

 

At kahit nga may pandemic, tuloy na tuloy pa rin ang pagdiriwang ni Alden ng kanyang ika-10th anniversary in showbiz. Kaya halos araw-araw rin ang ginagawa niyang pagre-rehearsal para sa kanyang virtual concert na Alden’s Reality sa darating na December 8.

 

Almost sold out na raw ang tickets kaya sa mga gusto pang ma-experience ang virtual concert na ito ni Alden, bumisita lang sa www.gmanetwork.com/synergy

 

*****

 

NAGSIMULA na ng lock in taping ng GMA-7’s series na Babawiin Ko Ang Lahat.

 

Isa ito sa mga serye ng GMA na kung hindi siguro nagkaroon ng COVID-19, malamang ay tapos ng umere.

 

Kasalukuyan na silang nagsisimula ng taping nang magkaroon ng pandemic at mahinto.

 

Pinagbibidahan ito ng bagong tambalan nina Pauline Mendoza at Manolo Pedrosa. Kasama sina Carmina Villarroel, John Estrada at Tanya Garcia.

 

Hindi madali para kay Tanya ang lock in taping dahil may tatlo siyang anak na mga nag-aaral. Ang bunso niya ay 3 year old pa lang.

 

Ipinakita ni Tanya ang video ng ikalawang anak niya kunsaan, unexpectedly, ito ang iyak ng iyak sa unang gabi na wala siya sa inaasahan niyang ang bunso niya ang iiyak.

 

Twenty days ang lock in taping nito at talagang para raw O.F.W. ang pakiramdam. (ROSE GARCIA)

Other News
  • 4 tulak nasilo sa drug bust sa Navotas

    SHOOT sa selda ang apat na hinihinalang drug personalities matapos malambat ng pulisya sa magkahiwalay na buy bust operation sa Navotas City.     Ayon kay Navotas police chief P/Col. Mario Cortes, nakatanggap ng impormasyon ang Station Drug Enforcement Unit (SDEU) hinggil sa umano’y iligal drug activities ni alyas Andeng, 37, at alyas Noel, 42, […]

  • Kasama ang mga bagong set of officers: HEART, nanumpa na bilang bagong Senate spouses foundation president

    MUKHANG fresh at bumata ang aktor na si John Lloyd Cruz. Halatang masayang masaya ang aktor sa kanyang present love ba si Isabel Santos. Mukhang very proud ang aktor sa bagong karelasyon dahil ilang showbiz gathering na dinaluhan ay kasa-kasama niya ito. Kasalukuyang inihahanda ni  John Lloyd ang sarili para sa proyektong gagawin niya with […]

  • UniTeam, “still vibrant, still working”-PBBM

    “STILL vibrant, still working”!     Ito ang tugon ni Pangulong Ferdinand Marcos sa tanong kung ‘buhay’ pa ang UniTeam.     “Uniteam is not just one or two or three parties. It’s the unification of all the political forces to come together for the good of the country,” ayon kay Pangulong Marcos.     […]