UniTeam, “still vibrant, still working”-PBBM
- Published on February 1, 2024
- by @peoplesbalita
“STILL vibrant, still working”!
Ito ang tugon ni Pangulong Ferdinand Marcos sa tanong kung ‘buhay’ pa ang UniTeam.
“Uniteam is not just one or two or three parties. It’s the unification of all the political forces to come together for the good of the country,” ayon kay Pangulong Marcos.
“It is still there, still vibrant, still working, and we will continue to work on that basis,” dagdag na wika nito.
Ang UniTeam Alliance ay isang electoral alliance na binuo para sa Halalan sa Pilipinas, 2022 na nabuo noong Nobyembre 29, 2021 sa ilalim ng mga lider na sina Bongbong Marcos at Sara Duterte-Cardio para sa Halalang pampanguluhan sa Pilipinas,
Sa gitna ng lumalalim na hidwaan sa pagitan ng dalawang pamilya, itinalaga pa rin ng Pangulo si VP Sara bilang caretaker ng Pilipinas habang siya ay nasa Vietnam para sa state visit.
Nito lamang nakaraang Sabdo, nagpahayag ng kanyang suporta si VP Sara sa 8-point socioeconomic agenda ng administrasyong Marcos sa idinaos na Bagong Pilipinas kick-off rally sa Lungsod ng Maynila.
Ilang oras lamang ang lumipas ay dumalo naman si VP Sara sa isang prayer rally sa balwarte ng kanyang pamilya na Davao City.
Sa katunayan, napaulat na pinagbibitiw sa puwesto ni Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte si Pangulong Marcos.
Ayon sa alkalde, dapat magbitiw si Pangulong Marcos kung wala itong pagmamahal at mithiin para sa Pilipinas.
“Mr. President kung wala kang pag-ibig at aspirations sa iyong bansa, resign,” mariing hamon ni Baste sa “Hakbang ng Maisug Leaders Forum” sa Davao City nitong Linggo, Enero 28.
Dismayado si Baste sa mga problema sa insureksiyon at droga sa kanilang rehiyon sa Davao.
Ikinumpara rin niya ang dating pamamahala ng kanyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kasalukuyang administrasyon sa bansa.
Nitong linggo ay nagdaos ng anti-people’s initiative rally ang mga Duterte sa Davao City kung saan ginawa ni Baste ang hamon sa Pangulo. (Daris Jose)
-
Booster shot sa mga COVID survivors mas pinaaga – DoH
MAAARI nang magpaturok ng booster vaccine ang mga breakthrough COVID-19 patients o fully vaccinated ngunit tinamaan pa rin ng naturang virus. Matatandaang dati ay naghihintay muna ng ilang buwan, bago mabakunahan ang isang nagpositibo sa SArS-CoV 2. Pero sinabi ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire na kapag nawala na ang sintomas […]
-
Libreng cremation sa Tugatog Cemetery, binuksan ng Malabon LGU
PINANGUNAHAN ni Mayor Jeannie Sandoval ang muling pagbubukas at pagbabasbas ng Tugatog Public Cemetery upang bigyang-daan ang mga residente na bisitahin ang kanilang mga yumaong kamag-anak sa libingan bilang bahagi ng paggunita ng All Saints Day and All Souls Day o Undas 2024. Nagsagawa ng Banal na Misa ang lokal na pamahalaan para sa […]
-
200 SENIORS NABAKUNAHAN NA SA NAVOTAS
Nagsimula na ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pagbabakuna sa kanilang mga senior constituents na nagparehistro sa COVID-19 vaccination program. Nasa 200 Navoteño senior citizens ang nakatanggap ng kanilang unang dose ng AstraZeneca vaccine, nitong Lunes. Ang pinakamatandang miyembro ng pamayanan ay binigyan ng prayoridad alinsunod sa mga alituntunin sa pagbabakuna […]