• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ilang motorista, kaniya-kaniyang diskarte para makatipid sa gitna ng mataas na singil sa produktong petrolyo

KANIYA-kaniyang diskarte ang taumbayan para makatipid ngayon sa gitna ng pabago-bagong galaw sa presyo ng produktong petrolyo.

 

 

Ngayong araw ay ipinatupad nanaman kasi ang panibagong dagdag-bawas sa halaga ng krudo.

 

 

Nasa Php 1.70 ang ibinaba sa presyo ng kada litro ng gasolina, habang pumalo naman sa Php 1.20 ang halagang nadagdag sa kada litro ng diesel, at Php 2.45 naman ang itinaas sa kada litro ng kerosene.

 

 

Dahil sa patuloy na pabago-bago at madalas na oil price hike sa bansa ay umaaray na ang karamihan sa ating mga kababayan.

 

 

Bukod daw kasi na mataas ang bayarin sa gasolina, ay sinabi rin ni Nase na sa ngayon ay kakaunti nalang din ang pasaherong sumasakay sa kanila dahilan para mabawasan pa ang kakarampot na perang kanilang kinikita.

 

 

Ngunit sa kabila ng mga paghihirap na ito ay may magandang naidulot kay Nase ang mataas na bilihin sa merkado.

 

 

Dahil sa ngayon ay napilitan pa raw siya na itigil ang kaniyang bisyo na paninigarilyo para makatipid at pandagdag sa pambili ng mga pangangailangan ng kaniyang asawa’t anak.

 

 

“Tuluy-tuloy yung pagtaas ng gas tapos yung pasahero namin konti nalang. Talagang malaking epekto samin ang pagtaas ng gasolina.” ani Nase.

 

 

Dagdag pa niya,”Nagtitiis na nga lang kami kasi wala na kami ibang magagawa e. Andiyan na ‘yan. Tinigil ko na rin paninigarilyo ko para lang makabawas sa gastusin.”

 

 

Samantala, sa pagsisimula ng taong 2022 ay nakapagtala ang mga kinauukulan ang nasa Php 24.80 na dagdag sa halaga ng kada litro ng gasolina, habang Php 28 naman sa kada litro ng diesel, at nasa Php24.25 naman sa kada litro ng kerosene.

 

 

Ang malakas na demand sa suplay ng gasolina sa pandaigdigang merkado at gayundin ang mga suliraning nararanasan ng ibang mga bansa pangunahing pinagkukuhanan ng suplay ng langis ang itinuturong dahilan nito.

Other News
  • Pinas, tinapyasan ng 6%-7% ang economic growth target— NEDA chief Balisacan

    BINAGO at pinalitan ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) ang growth target para sa taong 2024.     Sa katunayan, ginawa na lamang itong 6% hanggang 7% range, malinaw na bumaba mula sa nakalipas na target na 6.5% hanggang 7.5%.     Ito ang inanunsyo ni National Economic Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan sa […]

  • Sa ibinahagi niya sa Instagram Stories: BEA, kitang-kita ang matinding kasiyahan sa sorpresa ng ‘Widows’ War’ family

    MAKIKITA ang matinding kasiyahan ni Bea Alonzo sa inihandang sorpresa ng “Widows’ War” family para sa kanyang kaarawan sa set ng Kapuso primetime series.     Sa kanyang Instagram Stories, ibinahagi ng Kapuso actress ang video clips sa selebrasyon ng kanyang kaarawan sa set ng serye habang inaawitan siya ng cast members ng “Happy Birthday.” […]

  • WILLIE, kinumpirma na ‘di na tuloy ang sitcom nila ni JOHN LLOYD kasama si ANDREA; aktor nali-link naman kay KATRINA

    MARAMING nagulat nang lumabas ang issue na hindi na tuloy ang paggawa ni John Lloyd Cruz ng project na ipu-produce ni Willie Revillame, na may nakita raw siyang ugali sa actor na hindi niya nagustuhan.      Walang narinig naman na sinabi si Willie at wala rin namang narinig mula kay Lloydie.     Finally, […]