Rematch kay Inoue asahan na mas ‘brutal pa’ sa 1st fight – Donaire
- Published on June 2, 2022
- by @peoplesbalita
NGAYON pa lamang pinaghahanda na rin ni WBC bantamweight champion Nonito “The Filipino Flash” Donaire ang mga boxing fans dahil sa tiyak daw na umaatikabong bakbakan ang magaganap sa rematch nila ng Japanese superstar na si Naoya Inoue sa darating na Martes, Hunyo 7
Si Inoue ang may hawak ng dalawang korona sa IBF at WBA.
Kung maalala noong 2019 ay kinilalang fight of the year ang kanilang showdown pero natalo sa unanimous decision si Donaire.
Gayunman sa pagkakataon ito tiniyak ng Pinoy champion na mas matindi pa ang rematch nila kumpara sa nangyari noon na brutal at classic fight.
Ayon kay Donaire hangad niya na makaganti laban sa knockout artist na si Inoue na umaabot na sa 19 ang mga kalaban na pinatulog mula sa 22 mga fights.
Sinabi pa ng 39-anyos na si Donaire alam na raw niya ngayon kung papaano ang diskarte para ipatikim ang unang talo ng Japanese boxing star.
-
KC, masayang-masaya na personal nang makita ang amang si Gabby
SIMULA pala nang matuto nang magdirek si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, naging dream na niyang maigawa at maidirek ang kanyang mommy, si Angelina Gonzalez Dantes sa isang commercial na kasama siya. Sa kanyang Instagram post, ikinuwento ni Dingdong na three years old pa lamang siya ay sinasamahan na siya ng kanyang Mamata sa […]
-
Irving nagmatigas, hindi pa magpapabakuna
NAGMATIGAS ngayon ang NBA superstar na si Kyrie Irving na hindi pa rin nagbabago ang kanyang paninidigan na hindi magpapabakuna. Ginawa ni Irving ang pahayag kasunod na rin ng report na aabutin ng mahigit sa isang buwan na mawawala ang kanilang main man na si Kevin Durant dahil sa injury. Sa […]
-
Isang karangalan na naman para sa bansa: JUDY ANN, tinanghal na Best Actress sa 45th Fantasporto International Film Festival
ISANG karangalan ang muling natamo ni Judy Ann Santos para sa bansang Pilipinas. Si Judy Ann ang tinanghal na Best Actress sa katatapos lamang na 45th Fantasporto International Film Festival na ginanap sa Porto sa bansang Portugal. Ang karangalang napanalunan ng aktres ay para sa mahusay niyang pagganap bilang si Monet sa pelikulang “Espantaho”. Dumalo si […]