• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

100% face-to-face classes tiyaking ligtas

IPINATITIYAK ni Assistant Minority Leader at ACT Teachers Rep. France Castro ang ligtas na pag­ba­balik­ eskuwela ng milyun-milyong estudyante kaugnay ng plano ng Deparment of Education (DepED) na 100% face-to-face classes sa School Year 2022-2023.

 

 

“We welcome this push from the Department of Education for the 100% face-to-face classes by SY 2022-2023. This is actually long overdue. Our pupils have endured two years of blended distance learning­ which further worsens the education crisis in the country,” ani Castro.

 

 

“Face-to-face classes are still the best way for pupils to gain access to quality education,” giit pa ng lady solon.

 

 

Ayon sa gurong mambabatas, dapat siguruhin ng DepEd na ang lahat ng mga pasilidad ng mga eskuwelahan ay handa na at sapat para sa ligtas na pagbubukas ng klase. Kabilang ang maayos na bentilasyon sa mga klasrum, air filtration washing, pasilidad ng sani­tasyon.

 

 

Dapat din aniyang pabilisin ang vaccination programs sa mga guro at estudyante, pagkakaloob ng lingguhang COVID testing sa mga guro at education support personnel para sa mga lalahok sa face-to-face classes.

 

 

Iginiit din ni Castro ang mass hiring para sa mga school nurses at bigyan ng pondo para sa pagpapa­gamot ang mga mai-infect ng virus.

Other News
  • Jordan Clarkson nagparamdam ng kasabikan na maglaro sa Gilas Pilipinas

    Nagpahayag ng kasabikan si Filipino-American NBA player Jordan Clarkson para sa paglalaro niya sa 2023 FIBA World Cup sa buwan ng Agosto.     Ayon sa Utah Jazz player na patuloy ang kaniyang ginagawang ensayo para sa manguna ang basketball team ng Pilipinas sa nasabing torneo.     Pagtitiyak nito na agad itong uuwi sa […]

  • Bagong album ni Taylor Swift na “Evermore”, umani ng bonggang review mula sa Rolling Stone magazine

    Thankful si Alfred Vargas na nagkaroon siya ng pelikula sa Metro Manila Film Festival.    Una niyang MMFF entry ay ang Bridal Shower in 2004 na dinirek ni Jeffrey Jeturian at ang huli ay ang Banal in 2008 na dinirek ng the late Cesar Apolinario.   Isang taon na raw natapos ang latest MMFF official […]

  • 3 testigo sa PhilHealth, binigyan ng immunity ng Senado

    Binigyan na ng legislative immunity ng Senado ang tatlong testigong naglahad ng mga katiwalian sa PhilHealth.   Mismong si Senate President Vicente “Tito” Sotto III ang nagkumpirma na pasok sa immunity sina Philhealth board member Alejandro Cabading, dating executive assistant Estrobal Laborte at dating anti-fraud legal officer Thorsson Montes Keith.   Ayon kay Sotto, hindi […]